Chapter 39

707 15 0
                                    

Nawalan ng kulay ang aking mukha nang makita ko si Mrs. Cantallejo na nasa harap ko na. Wala siyang ibang kasama pero kung makatingin sa akin ay daig pa ang isang hayop kung makatingin ng masama. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumingin sa kanya.

"Magandang umaga po ma'am." Kalmadong bati ni manang Sario.

Mabuti pa siya dahil kampante lang pero ako, para akong binabalatan ni Mrs. Cantallejo dahil sa tingin na pinupukol sa akin.

"I didn't expect you to be here. Of all places, dito ka pa talaga pumunta." Matalim niyang sabi, hindi pinansin si manang Sario.

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. "Hindi ko naman po alam na dito din kayo pupunta." sagot ko sa kabila ng kaba na nasa dibdib ko.

She scoffed. "At may gana ka pang sagutin ako." She scanned me from my head to toes. "And you're pregnant. Sigurado ka bang sa anak ko yan—knowing na nasa bar ka dati nagtratrabaho, baka hindi lang yan ang panganay mo."

Kumibot ang kilay ko. Tinaas ko ang tingin sa kanya at kahit takot ako ay nilalabanan ko lang. She would underestimate me more if she'd see that I was this too weak. Pagtatawanan niya lang ako dahil mahina ako. Ilang beses na akong naging matapang sa ibang tao kaya hindi ko ito papalampasin.

"Ma'am, kahit ipa-imbestiga mo pa ako, hindi ako maraming lalaki ang dumaan sa buhay ko. Nakadalawang boyfriend lang ako bago kay Uggo pero hanggang doon. At itong pinagbubuntis ko lang po ang magiging panganay ko."

She smirked bitterly as she raised her brow. "I'm very disappointed. Kaya hindi ako pinapapasok ng anak ko sa bahay niya dahil lang sayo? Sino ka ba para ipagtanggol ng anak ko? Hindi ka naman galing sa isang may sinasabing pamilya ah. Ang mayroon ka lang ay yang mukha mo pero galing ka lang sa putik."

I clenched my fist, I stopped myself from stepping closer to her. We're still in a public place. At tinitira niya ako sa isang publikong lugar kung saan maraming makakakita at makakarinig sa amin. Pero mabuti nalang at kami lang ang nagkakarinigan. Yung mga tao ay walang pakialam sa amin.

"Kahit ano po ang sabihin niyo sa'kin ay wala po kayong magagawa para kay Uggo. May sarili po siyang desisyon. At kung ang desisyon niya ay makasama ako hanggang sa huling hininga ay ganun din ang gagawin ko. Dahil mahal ko po ang anak niyo."

She laughed with a sarcasm. "Mahal? Mahal mo lang yata ang anak ko dahil sa pera niya. Oo naman at natitiis mo siya dahil may sinasabi naman si Ullyseus, he has looks that most women would die for, and the impossible wealth. Hindi agad-agad mauubos ang pera ng anak ko dahil matalino siya pagdating sa pagwaldas. Kaya masasabi mo lang yan dahil sa kayang ibigay sayo ng anak ko."

"Kung pera lang po ang habol ko kay Uggo ay matagal ko na pong ginastos yun. Kahit itong black card niya na binigay sa akin ay nahihirapan po akong tanggapin dahil ayokong gamitin ang pera niya para lang sa kagustuhan ko—kahit personal mo siyang tanungin doon ay ayos lang."

Pinakita ko pa sa kanya yung black card ni Uggo na pinagtalunan pa namin kanina. Nagamit ko na yun dahil sa pamimilit niya. Pero hindi ibig sabihin nun na gagastosin ko yung pera niya hanggang sa gusto ko. I respected Uggo. Kahit marami pa siyang pera at sabihin pa niyang share kami rito ay hindi ko magagawang huthutan siya.

"Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ako maniniwala sayo. You're nothing but a dirt, a trash! Kung hindi lang pinulot ng anak ko sa kung saang purgatoryo ka naroon edi sana masaya kaming mag-ina ngayon! Kaya hindi kita matatanggap kahit lumuhod pa kayo sa harap ko para lang tanggapin kita dahil hinding-hindi mangyayari yun!"

Dinuro niya pa ako na parang ang liit kong tao. Hinarangan ni manong Sario si Mrs. Cantallejo para hindi ito makalapit sa akin. Pero tapos na, nasaktan niya ako sa pamamagitan ng kanyang matalas na mga salita.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon