Chapter 37

640 11 0
                                    

Umagang-umaga ay bangag na ang mukha ko. Nagpaalam kasi si Uggo na aalis na siya papunta sa trabaho at hindi manlang ako hinintay na sumagot. He just kissed my forehead while I was still in my bed. Hindi pa ako naaalimpungatan at nang maalimpungatan ako ay nakaalis na siya.

Alas otso na ako nagising at kumain na'rin ako. My morning sickness was gone and I was happy that I was able to pulled that out. Ayoko na talagang sumuka pa dahil hindi talaga maganda sa pakiramdam. Parang lahat ng laman ng tiyan ko ay maisusuka ko.

Pabigat ng pabigat na'rin ang pakiramdam ko at gusto ko nalang palaging mahiga o maupo, pero hindi yun pwede dahil kailangan kong lumabas para magpaaaraw.

"Ma'am, may kailangan ka ho ba?" tanong ni manang Sario sa'kin nang makapasok ako sa loob ng kusina.

Yung chef ay nililinis yung kalat na nasa sink at nang makita ako ay napahinto ito.

"Ah, may ipapaluto lang sana ako. Gusto ko pong dumalaw kay Uggo habang nasa opisina siya."

"Ano po ba ang gusto niyong lutuin ko ma'am." sabi ng chef.

"Anything na para sa lunch. Ayos sana kung may sabaw para maayos yung kain ni Uggo." sabi ko.

"Okay po. Dessert?"

"Huwag na. Yung grapes nalang ang babauinin ko."

"Okay po." sagot ng chef.

Binalik ko ang tingin kay manang Sario.

"Pwede po bang makisuyo manang na sabihin kay mang Iskoy na pupunta ako sa opisina ni Uggo?"

"Oo naman. Teka lang at pupuntahan ko siya agad sa likod. Nagmemeryenda pa kasi yun."

Tumango ako saka ngumiti sa kanya. "Opo. Aakyat lang po muna ako sa kwarto ko para maligo."

"Oh hala, sige. Ingat sa paghakbang ma'am sa hagdan."

Nagpasalamat ako sa kanya tapos ay pumanhik na ako papunta sa hagdan. Umakyat ako papunta sa kwarto ko. Bago ako naligo ay naghanap muna ako ng damit na maisusuot. I stuck to my pale blue dress na may laces na pwedeng i-ribbon sa likod ko tapos yung butones niya ay parang perlas.

Maganda at simple lang ang isusuot ko. Tapos yung off-white Gucci flat shoes ang ipapares ko sa damit ko.

Lahat ng kung anong mayroon ako ay galing kay Uggo. Siya yung nagpabili lahat ng mga maternity clothes at kahit mga flat shoes para kung sakaling umaalis kami ay may suot akong magandang sapatos. At hindi na ako nagrereklamo dahil walang silbi yung reklamo ko kasi totoong kailangan ko naman ang mga ito.

Naligo na ako pagkatapos kong maghanda ng susuotin. Pati sa pagligo ko ay natatagalan na ako. Ang hirap talaga kapag buntis, hindi ka nakakakilos ng maayos pati yung pagyuko ay hindi ka makakayuko ng maayos kasi ang laki ng tiyan.

Siguro ay isang oras ako sa loob ng banyo bago natapos. Ang dami ko kasing ritwal. Bago ako nagbihis ay tinuyo ko ang buhok ko. Hindi naman gaanong mahaba ang buhok ko. Ayaw kong masyadong mahaba kasi ang hirap suklayin at nakakakonsumo ng oras.

Pagkabihis ko ay tinali ko din ng maayos ang buhok ko. Pony tail lang kasi ang ginawa ko sa buhok para hindi magkalat. Tapos ay sinuot ko yung sapatos ko at kinuha yung bag.

Lahat ng ritwal ko ay tinapos ko muna sa loob ng kwarto bago lumabas. Dahan-dahan lang akong bumaba para hindi mahulog sa hagdan. May pagkadulas yung hagdan kaya nilagyan ng carpet para sa'kin para daw hindi ako mag-alinlangan na umapak sa hagdan dahil sa pagkamadulas nito. Uggo suggested it, of course. Pero mas okay yun kaysa sa wala kasi sure ako na hindi ako matatakot na umapak sa hagdan.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon