Halos mauntog na ang ulo ko sa dingding nang dalawin ako ng antok. Pagtingin ko sa harapan ko ay mabuti nalang at abala yung mga kaklase ko sa pagsagot ng exam. Yung katabi ko ay seryosong sumasagot kaya hindi niya napansin na muntik na akong madisgrasya dahil lang sa pagiging antukin ko.
Yumuko nalang ako saka iningatan ko naman na hindi magusot yung papel ko saka yung test paper. Inaantok ako dahil kagabi ay pumasok ako sa trabaho at hanggang alas dose na ako saka alas kwatro ako nagising para makapag-aral para sa dalawang exams namin sa dalawang subjects.
Huling araw na ngayon ng examination week at matatapos na'rin. Sa susunod na linggo ay bagong aralin na naman.
Nakatapos ako agad dahil inaantok ako at gusto ko rin na umuwi na para matulog. Pero dahil hindi pa kami pwedeng lumabas ay nanatili lang muna ako sa loob ng classroom habang hindi pa tapos yung iba.
Nagising nalang ulit ako nang yugyugin ang balikat ko ng kagabi ko. Papauwi na pala kami. Agad akong umayos ng upo at hinilamos ang mukha ko para magising ang diwa ko saka tumayo at ipinasa ang papel ko.
Bumalik ako sa pwesto ko saka inayos ang bag para makauwi na. Kumakalam din ang sikmura ko dahil kape lang at pandesal ang kinain ko nung umaga. Wala kasi akong ganang kumain ng heavy breakfast dahil maaga pa akong umalis ng apartment para pumasok sa eskwelahan.
Dahan-dahan akong naglakad paalis na ng classroom. Tahimik lang habang nakatingin sa dinadaanan ko. Sa eskwelahan ay wala akong kaibigan na magyayaya sa akin na kumain o di kaya ay magplano para sa outings. Hindi ako naiinggit sa mga kaklase ko o uhaw sa atensyon nila, hindi lang talaga ako nagkakaroon ng panahon para sa ganung buhay.
Unlike them, wala akong parents na magsusuporta sa akin kaya sobrang seryoso ako sa buhay ko na dineprive ko ang sarili ko sa pagiging normal na teenager. Saka dati pa akong walang barkada dahil ayaw ni mama na makipagbarkada ako kaya nadala ko yun ngayon.
Tahimik lang ako sa klase pero hindi ako loner. Kapag may gustong kumausap sa'kin lalo na kapag tungkol sa group projects ay nakikipag-usap ako. Hindi lang ako mahilig sumama at hindi naman ako pinipilit nila. Kaya wala din akong kaaway sa eskwelahan hindi kagaya ng ibang kaklase namin, kahit magbabarkada ay nagkakasiraan dahil sa inggit. Ako, cool lang.
Kung may iisang kaibigan ako na tinuring, yun ay yung taong palaging dumadalaw sa akin sa apartment.
Pero sa kasamaang palad ay hindi siya nagparamdam sa akin dahil sa maling nagawa ko. Ako naman ang may kasalanan pero nagsorry ako pero hindi niya siguro tinanggap. Hindi siya nagtext sa'kin o sinagot ang tawag ko noong nakaraang araw at hindi na ako nagtangka pang gawin ulit yun dahil baka nga galit pa talaga siya sa'kin.
Bago ako umuwi ay may dinaanan akong nagtitinda ng mais, hilaw pa yun at lalagain ko nalang pagdating ko sa apartment. Bumili ako ng apat na piraso lamang kasi hindi ko naman mauubos yun.
Pagkauwi ko ay agad akong pumasok sa apartment na dala yung mais. Nagluto lang ako ng instant noodles dahil may kanin pa akong natira kagabi. Hindi pa naman panis yun saka ayos pang kainin. Sunod kong niluto nilaga yung mais at habang kumakain ako ay nagbabantay din ako sa mais.
Naisip ko ay wala na akong ibang ikocomply pa sa eskwelahan dahil kompleto na ako ng project at siguradong hindi ako bagsak sa last period na yun ng klase. I poured every sweats and worked hard just to have a better grades. Kahit hindi honor student at least may passing grades at hindi yung kaawa-awang grades lang.
Pinatay ko ang apoy at yung gas at tinabi ko lang muna yung pot na may nilagang mais. Nabusog kasi ako kaya hindi lang muna ako kakain nun. I digested the food I ate before undressing myself to get change. Pagkabihis ko ay tinabi ko lang muna ang uniform ko sa may silya at binuksan ang bintana para makapasok ang hangin.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomantizmNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...