Chapter 20

738 14 0
                                    

Sketching wasn't my forte in my field but it's the only way to escape from reality. I sketched my future designs for my future business. It's kinda unique and I really wanted it to showcase my designs. Ako mismo ang personal na gagawa nito in the future.

Habang nasa loob ako ng kwarto ko ay hindi ko maiwasang hawakan ang sketch pad ko at ang lapis na dala ko pa. Bukod sa laptop ko ay marami akong dinalang gamit para kapag mainip ako ay ito ang gagawin ko.

Ako lang ang mag-isang nandito sa beach house dahil pumunta sa bayan si Uggo para bumili ng tools sa pag-aayos sa bahay. Kung ano-ano lang kasi ang maisipan ng tao na yun at basta nalang gagawin.

Kaaalis palang ni Uggo at hindi ko alam kung magtatagal siya kaya inabala ko na'rin ang sarili ko rito. Hindi naman ako makapagnood ng TV kasi inaantok lang ako at pati pagbabasa ng libro. Mas gugustuhin ko nalang na magguhit kahit ano at least gumagana ang utak ko.

Inilagay ko ang sketch pad ko sa lamesa at tinabi ko lang ang lapis rito. Tumayo ako mula sa upuan at binuksan ko yung built-in closet. Nasurprisa pa ako dahil kahit hindi maraming damit ang dinala ko ay makalat ang loob nito.

Isa-isa kong tinanggal ang mga gamit ko. Tinupi ko ng maayos ang aking mga damit. Yung mga underwear ay inilagay ko sa drawer nito at pati yung iba ko pang mga gamit.

Isang malaking maleta ang dala ko kasi marami akong gamit na dinala. Isa dun ay ang pinaka-iniingatan kong gamit na hindi maaaring makita ni Uggo. Most of the time, I was always thinking about it but I discarded that thoughts as I didn't want to think a lot about it.

Inayos ko lang ng maayos ang mga gamit ko. May one week at three days nalang ako para manatili dito sa Sacramento at babalik na ulit ako sa Davao para sa trabaho ko. Inipon ko talaga itong bakasyon ko para masulit ko.

Hindi ako nagbakasyon noong mga nakaraang pasko at holy week dahil gusto ko ay dito sa isla para mas may time ako sa sarili ko. Sobrang kayod ko sa trabaho na hindi ko na inisip pa yung bakasyon kaya naman ngayon ay sulit talaga. At ilang araw pa bago ako makakabalik sa Davao.

Sa susunod na linggo ay bibili ako ng souvenir para sa mga kasamahan ko at bibili din ako ng mga pagkaing patok dito na wala doon sa Davao para naman matikman nila.

Isang taon nalang talaga at makakapag-resign na ako sa Martinee Inc. Hindi ako pinapaalis ni ma'am Rocel pero yung pangarap ko naman ang susundin ko. Pangarap kong magkaroon ng sariling negosyo. At yung mga dinidesinyo ko sa sketch pad ko ay future designs ko na yun para sa future business ko.

Syempre mahirap sa umpisa pero kapag tumagal na ay lalago din yun at tiwala lang talaga sa sarili ang kaya kong gawin. Magtyaga at magsipag para sa kabuhayan ko.

Pagkatapos kong ayusin ang mga damit ko ay yung kobre ng kama naman ang inayos ko kasi napatungan ko yung bed sheets ng mga damit ko kaya medyo nagusot yung ibabaw at inayos ko.

Lumabas ako ng kwarto ko. Sobrang tahimik. Ang tahimik na walang kasama. Noong hindi ko pa nakita si Uggo ay okay ako sa pag-iisa ko, walang problema sa akin yun dahil kaya ko namang mapag-isa pero ngayon... I missed his presence every time he's away from me.

Kahit nasa beach house niya lang siya at nandito ako sa beach house ay namimiss ko agad siya kahit isang beach house lang naman ang pagitan ng mga beach house namin.

Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan kung may bago akong email. Gusto ko kasing makita kong mayroon talaga akong tinanggap galing sa trabaho. Nagagamit lang naman ang Gmail ko para sa trabaho.

So far, walang message sa akin maliban sa mga advertisements o sponsors na nakakairita sa mata. Binura ko yun lahat at binaba ang cellphone ko sa coffee table. Pumunta ako sa kusina at kumuha ng isang bar ng tsokolate. Naglakad ako papunta sa labas. Kumagat ako sa tsokolate na hawak ko at tumingin sa paligid.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon