The bitter taste of beer helped me warm as I stared out the dark vast of sea. Kumalma ng kunti ang panahon kaninang hapon at ngayon ay gabi na naman kaya lumabas ako nang beach house ko para tignan ang alon.
I was sitting on the sand while there's a can of beer in my hand, pampainit lang ng katawan dahil sa panahon ngayon.
Tinignan ko ang beach house ni Uggo. Mayroon pang ilaw na nakabukas sa bahay niya, so ibig sabihin ay hindi pa siya tulog.
Napairap ako saka humarap sa dagat. Hindi naman ako abot ng tubig kasi malayo ako, takot pa'rin akong mabasa kasi kapag mabasa ako ay malamig masyado.
I emptied the can then I just set it aside, wala pa akong planong pumasok sa bahay kasi hindi pa ako inaantok. Gusto kong nasa labas ako dahil gusto kong nakikita ko ang alon ng dagat, there I could reminisce about the past and what I would do in the future. It's so peaceful to think about it, at least may plano ako para sa future ko.
Kinuha ko ang lata tapos ay unti-unti akong tumayo. Pinagpag ko ang shorts na suot ko para matanggal ang mga buhangin sa shorts ko.
Nagdesisyon na akong bumalik sa bahay kasi masyadong lumamig at manipis pa ang suot kong t-shirt. Bumalik na ako sa loob ng beach house pero bago ko pa maisarado ang pinto ay sumilip muna ako sa beach house ni Uggo. Hindi pa patay ang ilaw.
Bumuntong-hininga ako saka nilock ko na ang pinto. The doors and windows were locked, I inspected them one more time before I went to my bedroom.
Tapos na akong maghapunan dahil bago pa ako lumabas ay kumain muna ako dahil sasakit ang tiyan ko kung lumabas pa ako lalo na at uminom pa ako ng beer. Pinalitan ko ang shorts ko ng pajama pants dahil medyo madumi na yung shorts ko dahil sa buhangin. Pagkatapos ay humiga na ako sa kama at nagpaanod sa antok.
Paggising ko ay pasado alas syete na nang tumingin ako sa orasan. Agad akong bumangon. Hindi na ako nag-abala pang pumasok na sa banyo dahil nagugutom na rin ako. Uminom muna ako ng maligamgam na tubig bago hinanda ang ingredients para sa pancake.
Nang sumilip ako sa kabinet at sa refrigerator ay kunti nalang ang pagkain ko. Kailangan ko ng pumunta sa bayan para lang mamili. Malayo ang bayan dito sa lugar kung saan ko nabili ang beach house ko.
"Kailangan ko ng mamalengke." bulong ko sa aking sarili habang nagbabatak ng itlog.
Yung first grocery shopping ko ay yun ang first day ko dito sa Sacramento dahil ang sabi sa'kin ng kakilala ko na taga-rito sa Sacramento ay mahirap daw ang pagsakay dahil kalimitan lang ang mga pedicab na dumalaw sa may beach houses dahil karamihan sa mga owners ng bahay ay puro may mga sasakyan at pribado din ang lugar na'to kaya madalang lang ang pedicabs dito.
When I was done making my pancakes, I stretched my hand to get the frozen yogurt from the refrigerator. Nagtimpla din ako ng black coffee at nilagyan ko ng cream para masarap.
Wala akong planong pumunta sa bayan pero dahil kailangan kong maggrocery ay pupunta nalang ako. Wala din akong sasakyan na sarili ko dahil walang parentahan ng sasakyan sa bayan.
Nang matapos akong kumain ay iniwan ko lang muna ang mga hugasan ko sa kusina saka naligo para mapaaga ako sa bayan. Hindi ko pa kabisabo ang buong lugar kaya ito yung time na kakabisaduhin ko ang lugar para hindi ako mawala. Mahina ang network sa bayan kaya magagamit ang Google map sa cellphone ko.
Nagsuot ako ng loose fit jeans, na karaniwan kong sinusuot sa trabaho sa Davao, tapos ay nagsuot ako ng t-shirt dahil komportable akong magsuot nun kapag pumupunta sa bayan. Sinuklay ko rin ang natuyo kong buhok at naglagay ako ng bennie. I also applied my skin care products on my face then I just put a lip gel to my lips protecting my lips from drought.
BINABASA MO ANG
Uggo
RomanceNotice: This story has explicit adult scenes (18+). ••• Mahirap nga talaga ang maging mahirap. Sa panahon ngayon kapag wala ng ibang pagpipilian ay kumakapit nalang sa patalim. Si Harry ay maagang naging ulila sa ama, sumunod na nawala ay ang kanya...