Chapter 31

729 20 0
                                    

Nang magpaalam si Uggo na aalis siya papuntang ospital para dalawin ang daddy niya ay nasa higaan palang ako. Hindi na ako nakatulog ulit nang makaalis siya. Bumangon nalang ako saka naligo at magbihis.

Walang kalat sa kwarto ko dahil yata kinuha lahat ni Uggo ang mga nagkalat na damit niya sa sahig. Hindi ko inakala na magagawa niyang magligpit kasi parehas kaming pagod kagabi.

Nagbihis ako ng simpleng dress na para lang sa loob ng bahay saka nagsuot ng flat shoes. Hindi na ako nag-abala pa na maglagay ng makeup kasi nasa bahay lang naman ako at wala naman akong planong umalis lalo na't wala si Uggo.

Bumaba ako mula sa second floor ng mansyon. Natagalan ako sa pagbaba dahil pahinto-hinto ako sa paghakbang para ma-appreciate ko ng masyado yung interior ng mansyon. There's a large chandelier hanging on the center of this mansion. Nasa gitna siya mismo at kapag umakyat ako sa isa pang palapag ay baka maabot ko yun.

It's very bright inside because of the chandelier. May ilaw din sa ibang parte ng bahay gaya ng lamp na nasa dingding nakasabit. Nakabukas yun lahat yun at hindi ko maiwasang mag-alala sa kuryente na makokonsumo ng mansyon.

Pwede naman kasing gumamit nalang ng chandelier at patayin nalang ang ibang ilaw para hindi masayang ang kuryente. Lalo na't ang laki ng singil ngayon at mainit pa ang panahon, minsan lang kasing umulan kaya heto at mainit.

Pagbaba ko ay agad kong hinanap yung kusina. Uggo just asserted me the direction to the kitchen. Kagabi kasi ay nagpadala lang siya ng pagkain sa kwarto kaya hindi ako nagkaroon ng chance kagabi na magliwaliw, saka sobrang pagod ko.

Nahanap ko naman ang kusina dahil may nakasalubong akong kasambahay at dinala ako doon.

"May niluto na agad yung chef ni sir, ma'am. Ano ho po ba ang gusto niyang kainin?" tanong ni manang Sario.

"Ayos na po ito. Ang dami po kasing niluto. Mukhang hindi ko po ito mauubos. Kumain na ho ba kayo?" tanong ko.

"Ay naku tapos na ma'am. Kapag hindi mo yan maubos ay ayos lang. Pwede naman naming kainin yan kapag magutom kami." bulalas ni manang.

"Oho. Para hindi masayang. Wala naman mga alagang aso si Uggo." sagot ko saka kinuha ang sopas na mainit pa ang sabaw.

"Sige ma'am. Kung may kailangan kay ay sabihin mo lang sa amin. Mayroon ding theatre room dito si sir baka gusto niyo hong manuod pagkatapos kumain?"

Umiling ako. "Okay lang po." Magalang kong sagot saka nagsimula ng kumain.

Iniwan ako ni manang Sario sa hapagkainan dahil may gagawin pa daw siya. Masyado akong gutom kaya ang lakas ng kain ko. Yesterday on our flight here, nagsuka ako sa private jet ni Uggo at hindi maganda ang pakiramdam ko. Nahiga lang ako sa kama na nasa loob nito at natulog. Mabuti nalang at nang gumising ako ay wala na yung hilo at pagsusuka ko.

Nakabawi din ako ng kain. Yung bacon ay yun ang naubos ko. Hindi ko nga nagalaw ang omelette saka yung prinitong isda—na hindi ko alam kung anong klaseng isda.

Pagkatapos kong kumain ay nanatili lang ako sa hapagkainan dahil nakakatamad pang tumayo.

There's nothing much I could do today. Wala ako sa mood para manuod sa TV at aakyat ulit ako para makuha lang ang cellphone ko, which nakakatamad pang tumayo. So I stayed in the dining area alone. Yung mga kasambahay ay abala sa paglilinis ng mansyon at alam ko na pinag-uusapan nila ako. Hindi ko man naririnig pero nababasa ko ang kanilang ekspresyon.

Okay lang na pag-usapan ako basta hindi ko lang maririnig at hindi lang masasakit na salita. Wala akong ginawa para mapaibig ko si Uggo. It's my natural beauty that allured Uggo to fell down in front of me like I was some kind of goddess.

UggoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon