Chapter 01

500 29 12
                                    

Pupungas-pungas pa ako ng mata nang lumabas ng kwarto ko. Nadatnan ko ang mga kaibigan kong nanood ng movie sa sala habang may tatlong box ng pizza sa mini table. Nang tignan ko ang wall clock ko, nakita kong mag-aala una pa lang.

Fuck, ilang minuto lang ata akong naka-idlip.

"Antok na antok?" natatawang turan ni Amira nang makita ako.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Pakyu kasalanan mo 'to."

"Duh. Di ko naman sinabing magpakalasing ka kagabi nang todo."

Lumapit na ako sa kanila saka dumampot ng isang slice ng pizza dahil kumakalam na rin ang sikmura ko. "Nag-bar pa kung di rin naman malalasing."

Inirapan niya ako habang tutok na tutok pa rin yung tatlo sa panonood ng kung anong horror movie ang naka-play sa TV. "Look at me. Fresh and blooming."

I scoffed. "Hindi naman kasi alak ang habol mo sa bar," saad ko saka sumiksik sa tabi niya kaya naman naipit siya.

"Exactly. I just want to party and get the attention of the boys," parang proud na sagot niya pa.

"Gaya mo 'ko sa'yo."

"As if hindi rin 'yon ang habol mo! Don't be such a bitter purket hindi ka nakapag-uwi ng babae kagabi."

"Okay lang. Si Zoe naman na ang next na uuwi ko rito," saad ko kaya't mabilis na nangasim ang mukha niya.

"Yuck! Patolero ng bagets!"

"Bente na 'yon! May ma-bash ka lang talaga eh." Inikutan ko siya ng mata. "Mas bata pa nga yung target mo. Ilang taon 'yon? Nineteen? He's barely legal what the fuck, Amira."

"OA ka pa sa OA ate ko! Anong target? Yes, he's still my babycakes pero hindi ko siya bet jowain, okay? Gusto ko lang baby-hin magkaiba 'yon. Eh mukha naman talaga siyang baby, anong magagawa ko?"

Natawa ako. "Pano may baby nang iba kaya nagbago 'yang maitim na balak mo."

Inismiran niya ko. "Hindi pa nga sure kung jowa niya talaga. Kiniss lang, jowa agad? Pano kung tatay pala niya iyon? Kuya? Bodyguard? Tsaka if jowa nga talaga niya, so what? Edi I ship. Ang cute nga nila eh."

Tinapik-tapik ko siya sa likod. "It's okay, Amira. Stop gaslighting yourself. At tsaka sinong kumi-kiss sa bodyguard? Sino rin siya para mag bodyguard? Artista ba 'yon?"

Marahas niyang hinawi ang kamay ko. "Hindi ka ba kumi-kiss sa tatay or kuya... or sa mga pinsan mo ha?"

Mabilis akong umiling. "No."

"Maasim ka kasi! Ni-katiting na affection wala ka diyan sa katawan mo. Kaya I'm not surprised wala ka pa ring girlfriend. At hindi ka na magkaka-girlfriend ever!"

Muli akong natawa. "It's my choice, tanga. Kung gusto ko rin lang, sa dami ng naghahabol na babae sa'kin, kayang-kaya ko kahit sabay-sabay pa sila."

"Kapal talaga ng mukha mo."

"Pogi pa," confident na sagot ko. "Ikaw nga sa sobrang sama ng ugali mo, kaya walang nagtatangkang manligaw sa'yo."

"Marami, tanga! Check mo pa DMs ko. Kaso puro mga kaasiman. Allergic ako sa maasim kaya nga banas na banas ako sa'yo."

"Yung gusto mo kasi, bading na nga, may jowa pa."

Muli niya akong hinampas. "Nakakairita ka talaga! Matulog ka na nga ulit don at huwag ka nang gumising habambu--"

"Shhh!" Parehas kaming napatigil nang yamot kaming sinaway ni Marco. "Ang iingay niyo! Tangina ang intense na ng scene oh!"

Kinunutan ko rin siya ng noo. "Eh kung palabasin ko kaya kayong lahat?"

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon