Chapter 07

361 33 20
                                    

"Woooh! Natapos din. Lakas ng trip non ni Sir, sinagad ba naman yung three hours," pagrereklamo ni Tob nang makalabas kaming tatlo ng classroom. Maliwanag pa kanina nang pumasok kami ron, tapos ngayon gabi na.

Ang lala. Tangina nag-iinit na yung pwet ko kanina sa sobrang tagal naming nakaupo. Akala ko isang period lang ang gagamitin ni sir dahil first meeting pa lang naman. Hayop, sinagad ba naman!

"Nando'n na raw sila," saad ni Elysia, patungkol kay Amira at Marco. Napag-usapan kasi namin na sa gate na lang kami magkita-kitang lima para i-meet yung tatlong first year sa lobby ng condo ko.

Nakita nga namin silang dalawa na nag-aantay na ron. Bungad pa lang eh nakabusangot na agad si Amira habang nakahalukipkip pa. Halatang kanina pa sila nag-aantay dito.

"Wow, buti nag-dismiss pa ang prof niyo!" sarkastikong turan niya nang makita kami.

As usual, rektang dumikit naman si Marco kay Elysia para maglandian sila.

"Urat na urat na ko kanina. Nag-discuss ba naman agad kahit first meeting pa lang," reklamo ko.

We were in the convenience store when Zoe and Gino told us that they were already on their way. Hindi naman ganoon kalayo ang condo nila sa condo ko kaya for sure mabilis lang 'yon.

We just bought a few bottles of alcohol that we need, and some snacks. Then we'll just order some pizza when we get there. As we were about to pay, I passed by a corner and decided to grab another brand of liquor and some juice, just in case Riley would prefer to drink cocktails.

Nang makarating nga kami sa condo ko, nakita namin na nasa lobby na si Zoe at Gino kaya naman agad na namin silang inaya paakyat.

Napangisi pa ako sa loob loob ko dahil first time kong nakita si Zoe na hindi naka-uniform. She's just wearing a black fitted shirt and denim shorts that hugged her body so perfectly. Her outfit is so simple, since we're just at the condo, yet she still looks so sexy. How is that even possible?

Meanwhile, Gino is wearing a white tank top and grey sweatpants, looking so cozy.

"Where's Riley?" takang tanong ni Gino nang makarating kami sa 7th floor kung nasaan ang unit ko.

"He lives here," I replied. "I mean, sa upper floor."

I tapped my keycard to unlock the door, quickly switching on the lights before ushering them inside.

"Wow, nice place tol," Gino commented in awe as his eyes roamed around.

Meanwhile, my friends headed straight to the living room to take a seat on the couch and place our purchases on the coffee table.

Natawa ako. "Nice din ang presyo," I said sarcastically.

"I heard. Gusto ko rin dito eh dahil maganda yung facilities tapos malapit pa sa school. Kaso nga lang masyadong pricey."

"Sinabi mo pa."

"Tapos wala kang ka-share? Big time ah," may halong pang-aasar na turan niya nang daluhan na namin ang mga kaibigan ko na feeling sila ang nagbabayad ng renta ko.

Napailing na lang ako. "Hindi ako sanay ng may ka-share sa place. Only child eh."

"Spoiled naman pala."

"Gagi hindi ah," I defended before leaving them as I went into my room.

Binuksan ko na muna ang aircon dahil baka magreklamo ang mga may ari ng bahay, bago ako nagpalit ng pambahay. Nag-sando lang ako at jersey shorts gaya ng lagi kong suot kapag nasa bahay lang.

Pagkalabas ko ng room nakita kong nandito na pala si Riley. Nakikipagkwentuhan siya sa kanila habang nakaupo na rin sa couch. He's wearing an oversized sweater and sweatpants.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon