Chapter 21

651 42 5
                                        

I couldn't help but smile as I watched Riley. His eyes were twinkling with joy as he spun around in delight. In his right hand, he held a spiraled potato twister, while his left clutched a stick of cotton candy. His infectious grin was pure magic. It was as if he was living the best day of his life. And in that moment, it felt like a piece of that happiness had cast its spell on me too.

Seeing him like this... who would have imagined that he is silently facing some internal battles?

Parang ang hirap lang isipin.

"Nag-expect ka ba ng mala-disneyland, Riley boy?" rinig kong sabi ni Marco nang akbayan siya nito habang naglalakad.

Mabilis siyang umiling pero nanatili ang ngiti sa mga labi. Gumagat pa muna siya sa potato twister niya bago nagsalita.

"No... but this place looks livelier than Disney."

Everyone laughed. They say Disney World is the most magical place on earth... but I believe it still depends on the people you are with.

Bakas ang galak sa mga mukha ng kaibigan namin habang pinagmamasdan si Riley na parang bata na ngayon lang pinayagan lumabas at maglaro sa labas. Kada kasi may makikita siyang bago sa paningin niya, gusto niya agad i-try, lalo kapag pagkain. Kaya ang ending... punong-puno na ng pagkain ang kamay niya. Maging kami ay hinahawakan na ang iba para sa kaniya.

We decided na sumakay muna sa mga rides bago mag-dinner. Baka raw kasi isuka lang namin, mahirap na. Hindi naman gano'n ka-extreme ang mga rides dito, pero mabibilis kasi saka paikot-ikot. Para bang nagbayad ka lang para mahilo.

Una silang nag-aya sa horror house kung saan may sasakyan kang train papasok sa isang bahay. Biglang namutla si Riley nang makita ang nakakatakot na designs at sound effects. Maririnig din sa labas ang sigawan ng mga nasa loob na.

Pasimple pa akong natawa nang magdahilan siyang uubusin niya raw muna ang pagkain niya bago sumakay. Kaya naman nung nagpaiwan siya, ganoon na rin ang ginawa ko para may kasama siya.

"Matatakutin ka?"

Malaki ang ngisi ko habang nanatili ang tingin sa mga kasama namin na pasakay na sa train. Kumaway pa sila sa amin bago iyon tuluyang umandar papasok.

"Hindi ah," parang batang pagtanggi niya kaya mas lalo akong natawa.

"Sge nga," bumaba ang tingin ko sa kaniya, "sakay nga tayo pagkatapos mo diyan."

Ngumuso siya saka muling dinilaan ang vanilla ice cream niya.

"Ikaw na lang."

"Totoong tao naman yung mga nananakot diyan," I convinced.

"Still."

"Hindi rin ganon ka-realistic yung mga make up nila."

"Ayaw ko pa rin," he said in finality. "Hindi naman ako sa kanila natatakot. Mas nagugulat ako sa ingay ng sound effects."

"Ayaw mo sa maingay?" Napataas ang kilay ko. Madalas pa naman sobrang ingay ng circle namin.

"There are just certain sounds... I cannot explain. I'm fine with people's noises though. Huwag lang yung nakakagulat. That's why I didn't grow up fond of dogs as much as you do, even though Asher also likes them. Nagugulat kasi ako kapag tumatahol sila."

Napatango-tango ako. Mas magugulatin pala siya kaysa matatakutin. Kaya rin siguro grabe yung gulat niya nung nanood kami ng zombie film sa unit niya. Nasa harap ba naman kasi namin yung sound system.

"Uhm, Kai... pwede pong magpa-picture?"

Sabay namin nilingon ang tatlong babae nang marinig ko ang pangalan ko. Parang mga lokal sila rito dahil nakapambahay lang din sila gaya namin. Mukhang mga high school students pa lang.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon