Chapter 11

366 31 7
                                    

8:30 AM when we finished our practice game. We were still gauging each other's playing styles, but I can say that these new recruits have potential, especially Gino. Halimaw na halimaw umilalim. Sa oras na tumalon kasi siya, matic na siya ang makaka-rebound ng bola. Matagkad na nga, parang may spring pa ang paa kung tumalon.

Natuwa nga si Marco dahil kampante raw siya na may papalit na sa kaniya bilang center na kasing galing niya. Pero medyo na-pressure rin daw siya dahil ito na ang huling taon niya sa team at baka biglang mabangko pa siya. Kaya naman biglang nagkaroon ng friendly competition kanina sa pagitan nilang dalawa.

Pagkatapos non ay nag-remind lang si Coach Russel tungkol sa schedule namin...na walang practice game bukas pero huwag naming kalimutan ang morning jog namin. Nasa disiplina na lang daw namin 'yon kung susunod kami. 

I was still catching my breath as I approached where Riley and the others were sitting, wiping the sweat from my brow. I could feel the heat radiating from my body, and my shirt clung to my skin, drenched in sweat.

Kusa niyang inabot sa akin ang towel ko dahil pinahawak ko iyon sa kaniya kanina. Kinuha ko rin ang tumbler niya para tuluyang ubusin ang smoothie na ginawa niya. Sobrang sarap na sarap kasi talaga ko ron. Balak ko ngang hingin ang ingredients niya... o kaya naman mag-aask na lang ako ng favor na baka pwedeng igawa niya na lang ako ulit hehe.

"Saan ka after nito?" tanong ko sa kaniya saka muling inabot sa kaniya ang towel ko. Hindi naman siya nagreklamo kahit pa basang-basa na 'yon ng pawis ko. 

"I'm going back to my unit," tipid na sagot niya habang pinanood lang ako sa paglaklak ng natitirang smoothie.

Salubong ang kilay ko nang muli ko siyang tignan. "Huh? May class tayo ng 10:30 ah."

"I know," he nodded. "We still have almost two hours though."

"Tambay na lang tayo rito sa campus! O kaya kain," I suggested. 

Pero umiling lang siya. "I have to receive something. Maya-maya darating eh."

"Parcel?" Tumaas ang dalawang kilay ko. "Pwede mo namang paiwan sa mga guards don sa baba." 

"Furniture," natatawang sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko. 

"Ha? Para san? Kulang pa ba mga gamit mo sa unit mo?" nalilitong tanong ko. 

Nung huling punta ko kasi ron, parang kumpleto naman na siya sa furnitures. Kulang lang sa accents and designs kaya parang walang personality ang unit niya, pero understandable naman dahil hindi pa masyadong natitirhan. I mean, sobrang ganda naman na ng interior ng place niya... it's just my architect instinct kicking in. 

Tumaas ang gilid ng labi niya. Parang nagdalawang-isip pa siya kung sasabihin 'yon sa akin, pero sinabi niya rin kalaunan. 

"I tried renovating one of the rooms kasi," he explained and bit his lower lips. 

"Eh?" ang tanging reaction ko. "For what?" 

"Naisip ko kasi na masyadong maraming rooms yung unit ko eh hindi naman nagagamit. So, I asked my dad if I can turn one of them into something like... a theatre room. Pumayag naman siya."

Literal na napanganga ako. 

Ganito ba ma-bored ang mga mayayaman? 

I know theatre room sounds really cool, pero mag-isa lang naman siya ron. Hindi ba siya makontento sa panonood sa napakalaki niyang tv kaya kailangan pa niyang magpagawa ng ganon? Ang lala. 

"Grabe naman mga trip mo sa buhay," hindi pa rin makapaniwalang wika ko. Hindi ko alam ang sasabhin. 

He just let out a sigh. "So that if I ask you guys to hang out at my place, we can do something fun."

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon