Chapter 04

367 33 22
                                    

It's a Wednesday night at masasabi kong ang pangit ng naging araw ko. Hindi ko kasi nakita yung baby ko, at walang katapusang introduce yourself lang ang nangyari buong araw. Pero okay lang 'yon, may schedule naman ulit bukas ng umaga yung tanging subject na kaklase namin sila. Iyon na lang kasi ang GED subject na tine-take namin. Lahat ay major na.

I was planning to order some food for my dinner coz I'm also planning to just binge my favorite series tonight para naman masabi kong may nangyari sa araw na 'to. But while browsing some food on the app, nag-notif ang messenger ko. Naging sunod-sunod 'yon kaya agad kong cinlick para tignan.

PUSS Avalon University Basketball Team

Yassy Jean Sandoval added Lester Santos to the group.
Yassy Jean Sandoval added Martin De Leon to the group.
Yassy Jean Sandoval added Gino Abaya and 3 others to the group.

Bahagyang napataas ang kilay ko. Ano'ng meron? Ngayon na ba ang announcement ng mga natanggap sa try out kahapon? Ang bilis naman nila magdesisyon haha. Tsaka ito lang? Sagad na ba 'yan eh ang daming nag-try out kahapon?

Manager Yassy:
@everyone Congratulations on making to the Avalon University Basketball Team! We're very excited on having you on the team. I am hoping for an exciting season ahead filled with teamwork and victories. Please meet me tomorrow for your brief orientation and uniform fitting. Message me when you're available. Thank you! <33

Capt. Marco Mendoza:
Congrats mga new broski! I am your poging-poging team captain. Excited na ko sa first game natin. Sana ready na kayo masabon ni coach hehe. Pero wag kayong kabahan, akong bahala sa inyo. Mwa mwa tsup tsup.

Tobias Lim:
Congrats, @everyone! Looking forward to have a game with y'all.

Aries Salvacion:
Lezzgaw! Welcome sa team nga erap!

Genesis Von Yap:
Hanep, yan na ba 'yon? Sana magagaling sila de joke. Welcome mga repapips! See you sa training soon!

Naging sunod-sunog ang pag-welcome at congrats ng mga teammates ko. Panay thank you at heart react naman ang mga bagong tanggap sa team. Syempre hindi ako papahuli lalo na nang makitang natanggap rin si Gino.

Sabi ko na eh.

Kai Pascua:
Congrats, @everyone. Sana huwag kayong magtampo kapag nasasapawan ko ang kapogian niyo.
Sorry na agad.

Aries Salvacion:
Ay may panget. Leave na lang kayo ulit sensya na guys. O kaya gawa na lang tayo sariling gc.

Tobias Lim:
Sorry, malakas lang amats niyan.

Capt. Marco Mendoza:
@Kai Alam kong malungkot ka ngayon pre. Pero sana huwag mo namang ibuhos dito.

Kai Pascua:
Mga basher. Sabagay ganiyan talaga kapag nalalamangan.

Manager Yassy:
Magsitigil nga kayo. Huwag niyo naman agad ilabas ang mga baho niyo rito baka biglang mag-quit sila!
Anyway, may a-add pa kong isa.

Yassy Jean Sandoval added Riley Mason Jimenez to the group.

Manager Yassy:
@everyone Please welcome my new co-manager @Riley. Siya rin ang papalit sa'kin when I graduate this year. Be good to him dahil ako mismo ang makakalaban niyo.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon