Chapter 25

376 32 2
                                    

It's the following Saturday, marking the beginning of another season of PUSS, the day we've all been eagerly awaiting. Ito na rin ang araw para ipakita ang pinaghirapan namin during training. Ni hindi na nga kami nakapag-break after midterms. Balak sana naming mag-out of town na magkakaibigan gaya ng nakagawian namin, since consultation week lang naman. Pero syempre hindi natuloy dahil naging puspusan ang training since opening na agad pagdating ng sabado.

After lunch, we all gathered on the school grounds. 

Nakangiti ang bawat teammates ko habang nagbibigay si Coach Russel ng final reminders tungkol sa magiging gameplay namin mamaya. Excited kaming lahat, pero mababakas ang determination ng bawat isa, lalo na't hindi basta-basta ang team na makakalaban namin mamaya.

Sa unang game, makakalaban namin agad ang Saint Ruiz University. Hindi sila nanalo sa amin last season, pero nakaabot naman sila sa final four. Hindi kami pwedeng magpakampante lalo na't gaya namin, baka napalitan din ang marami sa players nila. Hindi purket natalo namin sila last season eh matatalo pa rin namin sila ngayon. Hindi namin alam kung nag-improve din ba sila... gaya namin.

But we will surely give them a good and fair fight.

Nang makumpleto kami, nag-akyatan na kami para sumakay sa service bus ng team. Balak ko sanang tumabi kay Riley pero bigla siyang hinila ni Yassy para silang dalawa ang magtabi sa unahan. Ayaw niya raw kasing tumabi kay Coach Russel. Kaya naman wala na akong nagawa. Nakanguso akong pumanik at tumabi na lang kay Marco.

Hindi naman ganon kalayo ang arena mula sa school namin, kaya't ilang minuto lang ay nakarating na kami. Nang matanaw ko ang mga manonood na nag-aantay sa labas para makapasok, doon na ako napaayos ng upo dahil bigla akong kinabahan. Alam kong ganoon din ang mga kasama ko. Kanina lang ay napaka-ingay nila... pero ngayon, bigla silang natahimik habang pareparehas kaming nakatingin sa labas.

"Gago, ito na 'yon!" I heard Marco whisper beside me, so I quickly nudged him in the stomach.

"Huwag mo sabihing dinadaga ka, dude?" pang-aasar ko para mawala ang kaba ko.

"Tanga! Syempre... last year ko na oh."

"Enjoy lang... kayang-kaya naman 'yan."

"Oo naman. Excited din naman ako," he said as I glanced at him. "Nasa loob na raw ang labidabs ko kasama sila Amira."

"Gago ka... baka ma-overwhelm mga rookies natin. Huwag mo pakitang kinakabahan ka, ikaw ang team captain uy."

"Alam ko! Syempre ngayon lang. Serious mode na mamaya."

May mga kumakaway sa school bus namin nang makarating kami sa parking. Ito namang mga teammates ko, tuwang-tuwa na kumaway pabalik na akala mong mga celebrities.

"Mendoza!"

"Tob, pa-kiss!"

"Aquino!"

"Pascua!"

Tawag ng mga tao nang makababa kami. My teammates were all smiling as I subtly acknowledged the waiting crowd with a nod while we strolled towards the entrance. The atmosphere was charged with excitement, and the cheers of the crowd added to our anticipation for the game.

Nakakahawa yung energy nila, kaya naman bahagyang nabawasan ang kaba ko at napalitan ng excitement. During the previous seasons, masasabi ko na minsan sa crowd talaga nagkakatalo. Kapag kasi mas malaki ang crowd, at mas malakas ang cheer ng kabila, nakaka-distract ng laro. Pero nakakagana naman kapag naririnig mo ang hiyawan ng mga tao sa team niyo.

We all gathered at our designated locker room, with a few minutes to spare for preparation. Some of my teammates were already topless, changing into their uniform. A couple of them were still snacking to fuel up before the game began.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon