It's Saturday. The orientation week is finally over, and I'm sure next week we'll start getting bombarded with plates and school works again.
I've heard that the third year is the toughest in college, or at least in our school, because of our curriculum. Since most of the subjects are already major courses, and thesis is also approaching. Meanwhile, the fourth year is the most relaxed academically, as we'll mainly focus on internships.
It means I'm in the crucial stage of college life. Hindi na ko dapat papetiks-petiks pa. Aaminin kong madalas tamad ako... at lalong hindi ako ang most outstanding student sa batch namin, pero masasabi kong hindi naman ako nagpapabaya sa acads ko. Heck, may maintaining grade kaya para sa aming mga athlete. Kaya kung ayaw naming masibak, at kung gusto namin masama sa lineup this season, kailangan talaga namin na pagbutihan.
Gusto kong magmura kapag naiisip ko yung stress na pagdadaanan ko this year. Tang ina... tapos malapit na rin magsimula ang training namin. Paano na lang ako mambababae niyan. Badtrip.
Ang aga aga ito agad ang naiisip ko. Ganito ata talaga pag tumatanda na... haha ang gago lang. Unti-unti ko nang nararamdaman and pressure ng pagiging adult.
It's already 9 AM, but I can tell that I haven't had a complete sleep because my eyes still feel heavy. Gusto ko pang bumalik ng tulog nang makatanggap ako ng chat mula kina Tob at Amira na maliligo at magbibihis lang sila at babalik sila rito para mag-breakfast. Ang kakapal talaga ng pagmumuka.
Lumabas ako ng kwarto at wala na nga sila. Napangiti ako nang makitang niligpit naman nila ang mga gamit ko bago umalis. Aba, dapat lang!
Pabagsak akong naupo sa couch at minasahe ang gilid ng ulo ko.
Ugh. Gusto ko pa matulog.
Pero napahinto ako nang bigla kong maalala yung naging pag-uusap namin ni Riley kagabi. Naalala ko rin kung paano siya ngumiti na para bang nang-aasar. Tarantadong 'yon, hinahamon ata ako.
Crush daw ako amputa. Alam kong gwapo ako... totoo 'yon. Pero naging crush niya ako dahil sa ugali ko? Imposible 'yon. Nahihibang na ata siya.
Pero ano ba muna ang definition niya ng crush? And sabi niya admiration lang. Eh pareho lang 'yon. Gusto niya ko, tapos.
Hay, ang pogi ko talaga.
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri ko bago tuluyang tumayo para maligo at magbihis. Mang-aabala na naman kasi ang mga kaibigan kong makakapal ang mukha.
Saktong tapos na ako magbihis nang makarinig ako ng pagkatok. Sumalubong sa akin si Tob at Amira nang buksan ko 'yon.
"Pinatulog mo akong hindi pa nakakapagbihis!" bungad ni Amira at saka diretsong pumasok. Hinawi pa nila ako dahil nakaharang ako sa pintuan. Naiiling ko na lang na sinara 'yon.
"Alangan namang bihisan pa kita. Mahiya ka naman sa balat mo!" sagot ko at tinabihan sila sa couch.
Inirapan niya ko. "So what? Parang hindi ka naman tunay na kaibigan."
"Hindi talaga," sarkastikong sabi ko na lang. "Ano? Magpupunta kayo rito na walang dalang pagkain? Kapal ng mukha lang ang ambag?"
"Tanga lalabas tayo. Sawang-sawa na ko rito sa condo mo."
Inismiran ko siya saka binato ng throw pillow sa mukha. "Edi tantanan niyo na ang pagpunta rito."
"Heh, manahimik ka. Naiinis pa rin ako sa'yo."
I snorted. "Asa'n si Marco at Elysia?"
"Bebe time." Si Tob ang sumagot non, kaya naman kinunutan ko siya ng noo.
BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.