Sunday ng gabi, bumalik din ako kaagad ng condo dahil nalaman kong may training na kami kaagad bukas ng umaga. Monday ko pa nga sana balak bumyahe, pero medyo hesitant ako kasi baka kailangan kong gumising ng alas tres para lang makarating on time.
Wala din naman ako masyadong ginawa buong araw bukod sa laruin sila Tala at Laya, humiga sa kwarto ko, at makipang-aningan kay Mom.
Alas nuebe na ko ng gabi nakarating ng condo dahil pinag-dinner muna ko nila mom and dad bago umalis. Yumakap pa nga si mom dahil alam ata niyang magiging busy na ako sa school at training kaya baka minsanan na lang ako makauwi.
Lagi lang akong inaasar non pero alam kong nami-miss ako non sa tuwing wala ako sa bahay. Kaya naman lagi rin siyang sinasabihan ni dad na hayaan na raw ako dahil hindi naman na raw ako bata.
Ganon ata talaga kapag only child. Nandoon ang sense of accomplishment, pero mahirap pa rin na makitang lumalaki na ang mga anak mo, knowing na darating ang araw na magkakaroon na rin sila ng sarili nilang buhay.
Agad akong pumasok ng cr para makapag half bath dahil naligo naman na ako kanina bago umalis ng bahay. Sadyang naging routine ko lang talaga na kaga aalis ako eh kailangan ko munang maligo bago humiga ng kama.
Kaya naman minsan kahit gaano ako kalasing, nagagawa ko pa ring gumapang sa cr para lang maligo. Yun nga lang, minsan hindi ko na nagagawang magdamit at rekta higa na sa sobrang kalasingan. Wala naman na sa akin yon dahil mag-isa lang naman ako rito.
Maaga akong nakatulog dahil kailangan ko ring gumising nang maaga dahil 6 AM ang start ng training namin at 9 AM naman ang tapos. Then, kaunting pahinga bago naman sumabak sa 10:30 AM class ko ngayong araw. Pakshet na malagkit talaga, sana hindi ako antukin.
Our training schedule isn't too tight yet since we still have about one and a half months to prepare before the season starts. We have drills and exercises scheduled on Mondays, Wednesdays, and Fridays. Meanwhile, we're required to do a morning jog every Tuesday, Thursday, and Saturday. Sunday would be our rest day.
Next month, for sure everyday na 'yan puro drills.
Kinaumagahan, napabalikwas ako ng tayo nang bigla akong nakarinig ng malakas na pagkatok ng pinto. Rinig iyon hanggang sa loob ng kwarto ko kaya siguradong sobrang lakas non at baka mabulabong ang mga katabing unit.
"Oh, fuck! Anong oras na?" gulat na sigaw ko nang maalalang ngayon nga pala ang unang araw ng training namin.
Kaya nagmamadali kong hinanap ang phone ko para tignan ang oras. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at panic nang makita 5:35 AM na.
"Gago, hindi tumunog yung alarm ko?!"
Nagmamadali akong lumabas para pagbuksan kung sino man ang kumakatok dahil hindi talaga siya tumitigil.
"Shhh! Baka mareklamo ako—" bulyaw ko pero natigil ako nang makita ang gulat na itsura ni Riley. Naiwan pang nakataas ang kamao niya sa hangin.
"Ang lakas ng katok mo. Baka magreklamo mga kabilang unit," muling sabi ko pero mas kalmado na 'yon.
"I'm sorry... hindi ka raw kasi nagsi-seen sa group chat. Hindi ka rin nagre-respond sa chat ko, so I thought, baka hindi ka pa gising," he explained and looked at me from head to toe, "and I was right."
Doon ko lang na-realize na naka-boxers lang pala ako, kaya naman hindi ko alam kung bakit dali-dali kong tinakip ang dalawa kong kamay sa pututoy ko. Mamaya may morning wood pala ko, at makita niyang mas gising pa si Kai junior kaysa sa akin.
"O-Okay," nahihiyang sabi ko, "thank you. Pasok ka muna. Maliligo lang ako real quick."
Hinayaan ko na siya at dali-dali na akong bumalik ng kwarto para kumuha ng damit. Nakita kong siya na rin ang nagsara ng pintuan saka prenteng naupo sa couch habang pinanonood niya lang akong mag-panic dahil male-late na kaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomansaAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.