Chapter 19

387 30 6
                                    

[05-31-2024] Hello! I love reading all your comments, so please drop your thoughts on how the story is going so far. How's the pacing? Any suggestions you want to see? I have already drafted up to Chapter 28 at the moment, so share your thoughts so I can make changes or add anything while it's still early.

Again, thank you so much! <33

🌸🌸🌸

We ordered some snacks before we started watching a hardcore zombie film, where the zombies were incredibly fast and strong. Perfect daw pampawala ng hangover.

The soft glow of the screen illuminated our faces, casting a warm ambiance throughout the room. As the movie began, a hush fell over us, broken only by gasps and nervous laughter at the scene.

Napapangiti ako habang nagpapawis ang mga aking mga kamay sa sobrang intense ng pinapanood namin. Parang maski kasi ako ay napapatalon sa tuwing hinahabol ng zombies ang mga bida. These are the types of movies that I'm interested in... thrillers and action-packed scenes.

Hindi matahimik ang bunganga ni Amira sa kasisigaw, habang mura naman nang mura nang malakas si Marco sa likuran. Mabuti na lang talaga malakas ang sound system kaya hindi nao-overpower ng boses nila ang palabas... at nakadagdag pa 'yon sa vibe ng movie dahil nakakagulat talaga yung tunog.

Gino, Marco, and Elysia occupied the last row of seats, while Zoe, Amira, and Tob sat in front of them. Riley and I opted for the couch positioned right at the front of the screen.

Bumaba ang tingin ko sa katabi ko nang maramdaman ko ang bahagyang pagsiksik ng katawan niya sa akin, lalo na nang biglang makagat ng zombie yung asawa ng bida at kitang-kita kung papaano mahila ang balat nito sa leeg, maging ang pagbulwak ng dugo nito.

"Ughhh!" Amira groaned. "Deserve tatanga-tanga kasi! Walang ambag kundi ang sumigaw lang."

"Takbo na... tangina! Hayaan niyo na 'yan!" dagdag pa ni Marco na dalang-dala sa pinanonood kaya natatawa na lang ako.

Muli akong napalingon kay Riley nang maramdaman ko ang bahagyang pagpitlag ng katawan niya dahil sa eksena. Maluwag naman ang couch pero dikit na dikit siya sa akin. Nakataas pa ang mga paa nito habang yakap-yakap niya ang kaniyang tuhod na para bang may kakagat din doon.

Nang lumipat ang tingin ko sa mukha niya... napansin ko ang bahagyang pangungunot ng noo niya habang bakas ang takot sa kaniyang mga mata. Bahagya rin nakabukas ang bibig niya na para bang gulat na gulat sa nakikita.

Matatakutin pala siya?

Pinigilan ko ang tawa ko dahil mukha siyang takot na anime character. Pag ginawa ko ba siyang keychain magagalit siya? What if talian ko siya at isabit sa bag ko? Haha sobrang cute kasi ng facial expression niya. Kagigil. Sarap kagatin.

I stiffened up as I felt his entire weight pressing down on my body, his head leaning against my chest, followed by the loud screams of everybody. Doon ko lang napansin na hindi na pala ako nagpe-pay attention sa palabas kaya na-miss ko yung nakakagulat na part.

I chuckled at his surprised reaction. Gulat na gulat eh. So, to make him more comfortable, I raised my arm and rested it on the back of the couch, as if nakaakbay ako sa kaniya. He then shifted his position, moving from hugging his knees to reaching out and grabbing onto my shirt.

I stopped myself from bursting into laughter.

I could already smell his floral scent, with a hint of sweetness that perfectly matched his personality. It didn't smell like perfume dahil parang natural na iyon sa kaniya. Siguro dahil sa mga gamit niya panligo... or sa lotion niya... o sa kung ano pa man.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon