"Umatake na naman ang pagka-buwaya ni Kai kanina," naiiling pero natatawang usal ni Martin habang binabaligtad ang nilulutong karne.
"Kaya nga eh. Ilang beses akong libre, hindi ako pinapasahan," pagsang-ayon naman ni Aries kaya naman binato ko siya ng chopstick.
"Nashu-shoot ko naman ah," nakasimangot na depensa ko. Naging tampulan na naman kasi ako ng tukso.
"Buti kamo napapasok mo. Yari ka kay coach kung hindi."
"Bakit ba ang init mo kanina, Pascua?" Coach Russel chimed in, chuckling as he poured himself a drink. "Akala mo finals na eh."
Napakamot na lang ako.
"Coach... normal gameplay ko lang 'yon," muling depensa ko.
"Natural na buwaya 'yan coach," ani Tob na nasa tapat ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.
"Pabibo 'yan eh," dagdag pa ni Marco. "Kinawawa ba naman yung Saint Ruiz. Kita mo yung coach nila? Parang mansanas na kanina eh. Nanggagalaiti sa galit. Sumisigaw... banatayan daw yung Pascua."
Pumalahaw ang tawanan sa table namin kaya naman maging ang mga kalapit na table ay napapatingin na sa amin.
"Ganon talaga pag magaling," mayabang na turan ko.
"Magaling magpasikat," si Tob. Bago ko pa man siya mabato ng kung anong unang mahawakan ko, mabuti na lang ay sumingit na si Gino.
"But at least we got the first win of the season. That's a good start."
"That's true," pagsang-ayon naman ni coach saka ako tinapunan ng tingin. "Pero Pascua... hindi sa lahat ng pagkakataon, gagana yung ganon. Pasalamat ka nasira yung laro ng Saint Ruiz."
Napatango na lang ako. "Yes, coach."
Nanlibre si Coach Russel ng dinner para sa buong team nang makabalik kami. Uminom na rin kami nang kaunti para mag-celebrate ng pagkapanalo. Hindi na sumama yung girls dahil napag-usapan naman namin na ipagpapatuloy na lang namin ito mamaya sa place ni Riley nang kami-kami lang.
"Manager Riley, kaya mo pa ba?" natatawang puna ni Genesis nang nagsalin ulit ako ng alak sa baso ni Riley nang makita kong wala na 'yong laman.
Inakbayan ni Marco si Riley at mayabang na hinarap si Genesis. "Baka hindi mo matalo sa inuman 'tong bata ko," pagmamayabang ni niya na ikinatawa naming lahat. Bigla tuloy nahiya si Riley dahil doon.
"Batak ba uminom 'yan?" tila hindi makapaniwalang tanong tuloy ng huli.
"Subukan mo."
"Parang hindi naman halata eh."
"Kahit si Tob nga napapataob nito," pagsingit ko kaya mas lalo silang nagtawanan.
"Nadamay na naman ako!" alma ni Tob na bahagya pang namula ang mukha, pero nagawa pa rin niyang tumawa. "Pero totoo naman. Gagi... parang hindi ata nalalasing 'yan eh."
"Nalalasing naman ako—" nahihiyang pagkontra ni Riley, pero agad din iyong pinutol ni Tob.
"Oo. Kapag tulog na ako."
Muling binalot ng tawanan ang table namin. Nabasag lang 'yon nang biglang itaas ni Yassy ang phone niya at hinarap iyon sa amin.
"Trending yung game niyo kanina," aniya kaya agad na napunta doon ang atensyon namin. "Puring-puri na naman si Pascua... as usual."
Inabot ko ang phone niya para mag-scroll doon. Hindi ko maiwasang mapangiti nang mabasa ang mga comments sa post. Meron pang nag-compile ng highlights ko... pero mas lalong lumaki ang ngiti ko nang makita yung nakatulalang video ni Riley na pinakita kanina sa screen.

BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.