Chapter 28

457 33 8
                                    

The party was great until someone ruined it for me. Guess who came here dressed as the freaking Joker?

That nerd, Zack!

Naunang umuwi sina Elysia at Marco dahil balak ata nilang sulitin ang costume nila ngayong gabi. Alam niyo na. Habang si Amira naman... as usual, bigla na lang naglaho. Malamang kasama na non si Timothy at busy na sa kung ano ang ginagawa nila.

Zoe, Gino, and Riley were with their classmates and other batchmates for the entire latter part of the party. That's why Tob and I just stuck with our teammates' table.

Tahimik ko lang silang pinanonood mula sa table namin. Bantay na bantay ko ang bawat galaw nung Joker na mukhang sisiw. Magkamali lang talaga siya ng kilos, makakatikim 'yon sa'kin. Pero mukhang hindi ito makaporma dahil bantay sarado ni Gino si Riley.

Aba, dapat lang!

Wala rin naman akong magagawa kaya hinayaan ko na lang sila. Naiintindihan ko naman na hindi lang kami ang circle nila. I also understand that as freshmen, this kind of event was a great opportunity for them to build more connections with their co-department and batchmates.

Kaya naman dinaan ko na lang sa pag-iinom ang inis ko.

I know damn well why I'm getting annoyed right now. Hindi naman ako tanga para hindi mapansin ang mga pagbabago sa kinikilos ko...  I just don't want to entertain that idea. Because once I do, I know things will change. And I don't think I'm ready for that yet... because I'm scared of that change. Scared of what it says about me... about who I am. So I push it down, ignore it, and hope it goes away.

Gino didn't help when he kept nagging me about this idea. Pinipilit ko ngang iwaksi sa isip ko eh... tapos yung gagong 'yon, pinangungunahan pa ako. It's like he's trying to force me to confront something I'm not ready to face.

The truth is, I'm straight. I've always been into girls. So why am I feeling this special affection towards Riley? It doesn't make sense... and it's confusing the hell out of me.

Acknowledging it feels like opening a door I can't close. So, for now... I'll keep that door shut and pretend everything is the same.

Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom ko. Matagal akong malasing, pero pag pinalaklak mo ako nang sobra, tinatamaan naman ako. Ang huling naaalala ko lang ay naging sunod-sunod ang pag-shot ko. Tinatanggap ko kasi ang bawat abot nila sa akin na tagay kahit alam kong dinadaya na nila ako. Tapos naka-ilang ten seconds din ako. Hindi ko na nga alam kung papaano kami nakauwi at kung papaano ako nakabalik ng unit ko.

The next day, I woke up with the worst headache.

Dumaing ako dahil parang pinupukpok ang ulo ko. Kaya naman dumapa ako para mas isiksik ang mukha ko sa unan... pero ilang segundo bago tuluyang mag-register sa akin na hindi unan ang yakap ko.

Gulat akong napadilat habang unti-unting inaangat ang tingin ko.

Gago, may naka-hook up ba ako kagabi? Bakit may ibang tao rito sa kama ko?!

"Gising ka na?" tanong ng pamilyar na tinig na mas ikinagulat ko.

Bigla akong nanlamig.

Muntikan ko na siyang maitulak nang mabilis kong tinanggal ang pagkakayakap sa kaniya at napabangon. Hindi ko na nga ininda ang sakit ng ulo ko dahil gulat na gulat akong nakatitig sa nasa harapan ko na nagsisimula na ring bumangon.

"Ano'ng ginagawa mo rito?!" tanong ko nang makabawi.

Bahagyang nangunot ang noo niya. Napakusot pa siya ng mata habang taka akong tinignan.

"You can't remember anything?"

Napahinto ako, pilit na inaalala ang nangyari kagabi.

"Papaano tayo nakauwi?" muling tanong ko... pero para akong nakakita ng multo nang ma-realize kong parehas kaming walang suot na damit. "Bakit ka nakahubad... pati ako?!"

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon