Chapter 18

477 36 4
                                    

We occupied the two other rooms, separating the boys and girls into different quarters. The next morning, to my surprise, the three drunk idiots from last night were still fast asleep. Aaminin ko na tinamaan din ako kagabi, but I was still sober. I even managed to help Riley tidy up our drinking area last night, dahil bagsak agad ang mga kasama namin matapos makaligo at makapagpalit.

Muntik ko nang matapakan si Tob nang bumaba ako ng kama. Tabi kasi silang natulog ni Gino at naglatag lang sila ng comforter sa sahig. Magkayakap pa ang mga gago na tanging boxer briefs lang ang suot dahil parehong hindi na nila nagawang magbihis kagabi.

Kaya naman dali-dali kong kinuha ang phone ko para picture-an sila. Natatawa ko iyong sinilid sa bulsa ko nang lumabas ng kwarto. 

Mag-aalas nuebe pa lang ng umaga, pero sumalubong agad sa akin ang amoy ng parang may nagluluto. Tahimik ang buong unit kaya imposibleng may gising na rin sa mga girls. 

Don't tell me nagpa-practice na namang magluto si Riley? 

Pasuray-suray akong naglakad sa direksyon ng kusina dahil medyo inaantok pa ako. Napilitan lang akong bumangon dahil nanunuyo na ang lalamunan ko kaya gusto kong uminom ng malamig na tubig.

Hindi pa man ako nakakarating sa kusina, narinig ko na ang hagikgik ni Riley na parang may kausap siya. Bigla tuloy akong napahinto. 

"Shhh... you can still sleep." Boses iyon ng lalaki, pero masyadong malalim 'yon para maging boses ni Riley. 

Huh? Tulog pa silang lahat.

Muli tuloy akong napalingon sa kwartong pinanggalingan ko. Pagkatapos ay automatic na akong humakbang habang curious na sinisilip ang kusina. 

Nakita ko ang malapad na likod ng isang lalaki. Nakasuot lang siya ng itim na sando kaya kitang-kita ang batak na pangangatawan niya. Nakatalikod ito sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya, pero sa porma pa lang, sigurado akong hindi ko siya kilala.

May iba pa bang kaibigan si Riley? 

Napaawang ang bibig ko nang makita si Riley na sinukbit ang mga kamay sa batok ng lalaki, pagkatapos ay tumingkayad siya para abutin ang pisngi nito, saka iyon dinampian ng halik. 

Bigla siyang napabitaw at mahinang tumawa nang kilitiin siya ng lalaki. 

"Rest a little more, baby. I'll wake you when I'm done here," he murmured softly, his voice carrying a deep, comforting tone.

Baby, huh?

"Hmmkay," Riley mumbled sleepily, his eyelids drooping as he nodded. "Inform me when they wake up," he added, rubbing his eyes tiredly, while a yawn escaping his lips

"Sure."

"Please don't burn the kitchen."

The man chuckled. "I won't."

Pagkatapos ay naglakad na si Riley palayo pabalik sa kwarto niya. Nanigas ako sa kinatatayuan ko nang biglang humarap ang lalaki sa direksyon ko at nagtama ang mga mata namin. Bahagyang naningkit ang mga mata niya, tila ba sinusuri ako.

"Hey... do you need anything?" he then asked using a serious tone.

I cleared my throat as I came back to my senses. "Iced water... hangover," I replied, my voice strained. 

He just nodded in understanding.

He then let go of the spatula he was holding and walked over to the double-door refrigerator. He took out a pitcher of water and poured it into a glass for me. As if on cue, I quickly walked towards him.

"Ako na," pagpigil ko sa kaniya, pero saktong inabot niya na sa akin ang punong baso kaya nahihiya ko na lang iyong tinanggap. "Thanks." 

I quickly finished it, soothing my dehydrated self.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon