"Yes, Mom, pumasok po ako," sagot ko habang ipit-ipit ang phone ko sa balikat at tainga ko. Nagmamadali kasi akong isuot ang polo ko dahil as usual, male-late na ko.
Nakakainis lang dahil kailangan ko pang magsuot ng uniform para makapasok ng campus kahit student athlete naman ako. Kailangan ko pa tuloy madala ng mas malaking bag para bitbitin ang mga pamalit ko. Kabadtrip talaga.
"Siguraduhin mo lang, Kai, at baka sinasayang mo lang ang allowance na pinapadala namin," may halong pagdududa pa rin na sabi niya kaya naman natawa ako.
"Hala, send-an pa kita ng selfie ko kahapon."
"Dapat lang! Baka pinang-iinom mo lang kahit tanghaling tapat."
Pinindot ko na lang ang loud speaker nang nagsimula na akong magsuot at magsintas ng sapatos. "That was me nung highschool. Bar bar na kaya ako. Upgraded na 'to, Mom."
"Bar-bar... Barilin kaya kita sa bungo mo? Ayusin mo lang, Kai." Muli akong natawa nang marinig ang mariing pagbabanta niya.
"Shhh. Mom, ang aga-aga ang init ng ulo. Pumasok nga po ako kahapon. I will send the pic later, after ng call. Male-late na po ang pogi niyong anak at may tryout pa po kami."
"Oh sige na! Yung picture ha, pag wala kang sinend babawasan ko ang allowance mo."
Muli ko nang dinampot ang phone kasabay ang duffel bag ko. "Opo na nga. Bye na po, love you."
"Love you too!" pagalit na sabi niya pa rin saka ibinaba ang tawag.
Natawa na lang ako. Kunwari lang galit 'yan pero alam kong na-mimiss lang ako niyan dahil buong break ba naman akong nag-stay sa bahay namin.
I am very close with my parents kaya't nabibiro-biro ko sila kahit papaano. Only child din kasi kaya sa akin naibuhos lahat ng pagmamahal at luho hehe.
Namili lang ako sa group picture namin kahapon tsaka ko sinend sa kaniya yung picture kung saan epic ang mukha ni Amira. Natatawa pa ako nang sinend 'yon.
Sakto namang nabasa ko yung group chat namin ng teammates ko at nakita kong puro mention na ang pangalan ko.
PUSS Avalon University Basketball Team
8:28 AMKai Pascua:
@everyone on the way na po. sorry hihiTobias Lim:
Pa-importante.Capt. Marco Mendoza:
@KaiPascua San ka na pre? 8:00 ang call time di ba dahil 8:30 start na tayo. Gagalit na si coach.Kai Pascua:
Sorry, Capt. Naglalakad na ko.
Tumatakbo*Sinilid ko na sa bulsa ko yung phone ko saka patakbong lumabas ng unit. Ten minutes away lang naman 'tong condo sa school kapag nilakad pero kaya kong gawing three minutes pag nagmamadali. Kaya naman patakbo na akong lumabas at inunahan ang mga estudyanteng naglalakad din sa sidewalk.
Okay na rin to para early warm up hehe.
Jinustify pa talaga ang pagiging late niya.
Ito ang hirap hapag malapit ka lang sa school eh. Sobrang kampante ng sistema ko na hindi naman ako male-late kaya ang ending lagi pa rin akong late dahil nawawalan ako ng sense of urgency sa katawan.
Ngayon kasi ang tryout para sa mga new players dahil andami nang nawala sa team last year. Mga nagsi-graduate na. Tapos itong si Marco naman, last year niya na rin kaya every year talaga ay nag-coconduct ng early tryouts. Kung minsan naman ay nag-i-scout sila coach from other schools para rekta na.
BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.