The next morning, I woke up earlier than usual. Pagtingin ko sa phone ko eh alas-siete pa lang ng umaga. Nauna pa kong magising sa alarm ko. Sinubukan kong pumikit ulit dahil 10:30 pa naman ang klase namin, pero nakaka-ilang palit na ako ng posisyon, hindi ko na ako makabalik ng tulog.
Ilang minutes akong nakatunganga sa kisame. Nakatingin lang ako ron. No thoughts in mind. Siguro ay lutang pa ako dahil sobrang aga pa.
Natauhan lang ako nang biglang may tumamang ilaw sa kisame. Madilim ang kwarto ko kaya't kitang-kita ang pagliwanag ng phone ko na nakapatong sa side table. Hindi ko iyon pinansin nung una, hanggang sa naging sunod-sunod ang pag-vibrate non.
I sighed in frustration as I reached for it. My forehead furrowed slightly as I saw the consecutive notifications on the screen.
Riley Mason Jimenez:
Good morning, Kai. Are you awake?
Sorry for messaging you again.
I ordered you some coffee kasi.
I'd like to thank you for helping me last night.
Seems like u're still sleeping.
Ako na lang ang mag-receive ng order.
Medyo malapit na rin kasi.I don't know if I'm still lightheaded, that's why it took me a minute to process it. He got me some coffee? This is the first time that someone ordered a drink for me. I must have looked confused, my eyebrows furrowing as I tried to make sense of the situation. My heart fluttered a bit, unsure of how to react to this unexpected gesture.
I cleared my throat when I typed my reply.
Kai Pascua:
hi, riley. good morning.
sorry, i just woke up
ako nang bababa
just tell me if nandon na yung rider.
oh and thanks for the coffee
sana hindi ka na nag-abala heheRiley Mason Jimenez:
Okay! 2 minutes away sabi sa app.
Sorry, I forgot to ask kung ano'ng coffee ang gusto mo.
Medyo hesitant kasi ako mag-message kanina.Kai Pascua:
it's okay. i'm fine with anything. thanks!
haha wag ka nang mahiya sa'kin. feel free to mssg me anytime ;)Riley Mason Jimenez:
Nasa baba na raw sya :)Kai Pascua:
okay. pababa na koDali-dali akong bumangon mula sa pagkakahiga. Ni hindi ko na nagawa munang maghilamos at mag-toothbrush. Pinasadahan ko lang saglit ng daliri ang buhok ko bago tuluyang lumabas ng unit ko.
Pagkababa ay may nag-aantay na ngang food delivery sa labas ng building. Sakto namang nagkatinginan kami agad ni kuyang rider kaya siya na ang unang bumati.
"Good morning, sir. For Caius Pascua po?" nakangiting tanong ni kuya na ikinatango ko. Inilabas niya ang isang paperbag sa delivery box ng motor niya saka iyon inabot sa akin at pinicture-an. "Okay, na po 'yan sir."
"Salamat po, kuya. Ingat po kayo," sagot ko na lamang rito bago muling pumasok ng building.
When I returned to my unit. I just took a picture of the paper bag and sent it to Riley.
Kai Pascua:
Recieved it. Thank you!Agad naman siyang nag-seen at nag-reply na para bang inaantay niya talaga ang message ko.
Riley Mason Jimenez:
Alright. I'll keep in mind to ask for your preferred flavor next time.Bahagyag napataas ang kilay ko nang mabasa 'yon.
Kai Pascua:
Ay may next time pa? Wag mo kong i-spoil pre baka masanay ako hahahahahaNatatawa pa ako nang inilapag ko na ang phone ko para buksan ang paper bag. Nakita ko ang isang cup ng iced americano at isang slice ng blueberry cake. Very contrasting naman ng lasa nito haha!
BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.