Chapter 15

634 39 2
                                        

Maaga akong nagising kinabukasan dahil maaga rin naman ako nakatulog kagabi. Pinilit ko kasing tapusin yung pinapagawa ng prof namin sa isang major subject pagkatapos ko mag-dinner. Ayoko na rin magising na may kumalampag nang malakas sa pintuan ko dahil baka tuluyan nang magreklamo ang mga nasa katabing unit ko.

Sinabihan rin kasi ako nila Tob at Marco na dadaanan na nila ko para sabay-sabay kaming magpunta sa school, at para rin hindi na ako magaya last practice game namin.

It's already 5:34 AM. I just had my morning coffee and a sandwich para naman may laman ang tiyan ko habang naglalaro kahit papaano. Nakaligo na rin ako at naayos ko na rin ang mga gamit ko. 

I'm just chilling while waiting for Riley. Sinabi kasi nila Marco na isabay na rin namin siya, tutal nasa iisang building lang naman kami. 

Hindi nga nagtagal, nakarinig na ako ng katok sa pintuan ko kaya dali-dali ko nang kinuha ang duffel bag ko para lumabas. 

"Hi, good morning," nakangiting bati ko pagkabukas ko ng pinto. Bahagya pa siyang nagulat nang makitang naka-ready na ako. 

"Good morning," he replied, then casually handed me the same tumbler he's using for the smoothie. "Nasa'n na sila?" 

Kinuha ko 'yon at nagpasalamat. 

Hehe, I don't think kailangan ko pang gumawa ng smoothie para sa sarili ko. May daily supply na ata ako.

Isinara ko na ang pinto. "On the way na raw sila. Antayin na lang natin sa lobby," saad ko na ikinatango naman niya. 

"Aga mo ngayon ah?" nakangiting bati niya nang tuluyang na kaming makasakay ng elev. Tinignan niya pa ako mula ulo hanggang paa. 

I grinned at him. "Syempre naman," proud na sagot ko. 

"Very good," natatawang saad niya saka binigyan ako ng thumbs up. 

Pagkarating sa lobby, naupo lang kami saglit bago namin tuluyang nakita yung dalawa na papasok na sana ng building, kaya naman halos sabay kaming tumayo para salubungin na sila.

"Wow, early bird," bungad ni Marco nang makita kami. 

"Manager Riley doing a God's work, I see," komento naman ni Tob saka pa inakbayan si Riley, kaya naman agad na sumimangot ang mukha ko.

"Kapal naman ng apog mo. Maaga talaga akong nagising, boy!" I hissed. 

He just scoffed at me. "Tangina mo kailangan ka pa palang i-babysit para hindi ka ma-late eh," aniya.

Sabay-sabay na kaming naglakad papuntang school. Medyo maliwanag na rin at marami-rami nang tao ang naglalakad sa sidewalk. 

"Parang pinaparating mo naman na lagi akong late," saad ko. 

"Bakit hindi ba?" si Marco ang sumagot non kaya natahimik ako saglit. 

"Lagi..." napanguso ako, accepting my defeat, "pero on time naman ako minsan ah. Titigas naman ng mukha niyo."

Tinawanan lang nila ako. Hindi sila tumigil sa pang-aasar sa akin hanggang sa tuluyan kaming makarating ng gymnasium. Hindi pa kami kumpleto pero dali-dali na kaming nagpalit para hindi na rin makasikip sa kanila mamaya. 

Pag labas namin, unang hinanap ng mata ko si Riley, pero wala na siya ron. Nang tinanong ko naman si Coach Russel kung nasaan siya, sinabi niya lang na hinila na siya ni Yassy para asikasuhin ang documents ng mga rookie members namin. 

He's getting busy huh?

Hanggang sa tuluyan na kaming nakapag-warm up, dynamic drills, at practice game, hindi na sila bumalik ng gym. Siguro nga ay marami talaga silang kailangang gawin kaya hindi ko na siya inisip na abalahin pa at nag-focus na lang ako sa training.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon