"Riley!" Amira called out as soon as class ended. She hurried over to him, noticing that he was already packing up, ready to leave.
The three of them turned to us, their smiles perfectly synchronized.
"Hello, guys," maligalig na bati ni Zoe at bahagyang kumaway pa. Shet kinikilig ako.
"Hi," ani Amira. "Do you have class pa ba?"
"No. Vacant namin hanggang 1:30," sagot pa rin ni Zoe.
Napapalakpak si Amira dahil don. "Perfect! Do you wanna go on lunch together?"
Nagtinginan pa muna silang tatlo, parang nagsusukatan ng isasagot, bago tuluyang tumango si Zoe. "Yeah, sure. Sakto mag-lalunch na rin naman kami."
Amira's smile widened. "Do you guys already have a place in mind?"
"Uhm—cafeteria?"
"Magsasawa rin kayo ron later on." She clicked her tongue. "Tara sa labas, sa favorite kainan ng mga students."
Zoe glanced again at Riley and Gino, who both nodded in agreement.
"Okay! That's perfect since lahat kami ay wala masyadong alam dito."
"We got you guys," pagsingit ni Elysia habang kaming tatlo ay pinanood lang sila. Ang weird talaga mag-usap ng mga babae. "Let's go. Kumakain naman siguro kayo ng siomai no? And hindi naman kayo mapili sa place? Medyo student-friendly kasi 'yon kaya it's not that fancy."
Natatawang inayos ni Zoe ang salamin niya. "Oo naman—ay ewan ko pala rito kay Riley," aniya at tinignan ang katabi. Napunta tuloy sa kaniya ang tingin naming lahat.
Riley scratched his head, feeling embarrassed. "I'm fine anywhere you want, hindi naman ako mapili. As long as the area is safe, hehe."
"Of course it's safe!" Amira chuckled. "Walking distance lang 'yon from here. Don't worry hindi ka namin ipapahamak. Mas mauuna ko pag i-alay si Kai, huwag ka lang mapano."
Agad tuloy na nagsalubong ang kilay ko. "Ako na naman!" I protested.
"Eh ikaw lang naman maasim dito," inirapan niya ko bago muling ngumiti nang tignan pabalik si Riley. "Tara?"
Tumango naman ang huli. "Sure."
Sabay-sabay na kaming lumabas ng campus. Agad pang nalukot ang mga mukha namin nang madama ang init ng singaw sa labas. Idagdag mo pa ang tirik na tirik na araw. Sayang lang at wala akong payong kaya hindi ko mapapayungan ang baby ko, hay. Hindi kasi nakakalalaki.
Mabuti na lang may mga part na shaded pa rin dahil sa mga establishments sa paligid. Pero yung alinsangan ng panahon, grabe talaga. Nakita kong nagpapaypay na ang mga babae, habang ako naman ay nagpapaikot ng panyo para gumawa ng hangin.
We were all feeling the heat, but when I glanced at Riley, he seemed unfazed. He looked as fresh as if he had just taken a shower. Curious, I walked over to him, feeling a bit bored.
"Init no?" reklamo ko nang banggain ko nang kaunti ang balikat niya. Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na nilingon niya ako.
"Hmm," mabilis na pagsang-ayon niya.
That's when I turned to look at him, furrowing my brow. Despite the beads of sweat on his forehead, he didn't look disheveled. Instead, he seemed to glow under the sun's rays, enhancing the hazel color of his eyes even more. His face has no marks and smooth, almost glowing. It looked so soft and slightly flushed, like a baby's skin. Pinalaklak siguro siya ng aveeno at cetaphil noong baby siya.
Bad trip talaga.
Gwapong-gwapo naman ako sa sarili ko pero ang unfair ni Lord kasi kaya niya naman palang gumawa ng itsura na parang hindi nahuhulas, hindi pa niya binless ang lahat. Hay, kawawa naman si Amira. Isa siya sa mga hindi nabiyayaan.

BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.