Chapter 27

409 34 10
                                    

"What are you guys wearing for the halloween party?" tanong ni Amira nang sabay-sabay kaming nag-breakfast. We were still at Riley's place the next day. As usual, dito na kami nagpalipas ng gabi dahil karamihan sa kanila ay bagsak na at hindi na kayang umuwi pa.

"Wait, may halloween party?" Zoe asked, surprised.

"You guys didn't know?" pabalik na tanong naman ni Amira. "Hindi pala namin nasabi?" 

"I mean we heard some of our classmates talking about it... pero ang akala ko parang nag-oorganize lang sila ng sarili nila. Is that a thing here?" 

"Hindi naman siya official event ng school," si Elysia ang sumagot non. "Pero kasi every year, may nag-oorganize ng halloween party, usually inaarkila yung buong bar, then exclusive lang siya para sa students ng Avalon."

"Sounds like fun," nakangiting komento ni Zoe. "Kailan? May invitation ba?" 

"Hmm... usually every 30, para may time pa yung ibang students na lumuwas pauwi sa kanila to visit their loved ones," sagot ni Amira. "No invitation needed. Magpo-post 'yan sila sa group tungkol sa details. As long as may Avalon ID ka. Friend namin yung kadalasang nag-oorganize ng event. I heard they'll post the pubmat later tonight."

Parang nagliwanag ang mga mata ni Zoe nang marinig yon, habang tahimik lang naman kaming nakikinig sa kanila. Puro may hangover kasi. Nakakatamad pa naman magsalita kapag ganon. Mukhang hindi ganon kalakas ang amats ni Amira kagabi kaya't may energy pa siya ngayon.

"Are you guys going?" si Zoe na ikinatango ni Amira. 

"For sure. Lagi kaming present diyan." Tumawa siya. "Kayo ba? Magsisi-uwian ba kayo? Attend muna tayo."

"Ako... wala naman kaming vini-visit sa cemetery every undas, pero uuwi ako ng 31," she answered. Pagkatapos ay kusang nalipat ang tingin niya kina Gino at Riley.

"Uuwi kaming province... pero I think kaya rin ng 31 umuwi," sagot ni Gino kaya napahinto na rin si Riley sa pagkain para mag-isip.

"Yeah," he finally nodded. "I think I can make it as well." 

"Perfect!" pumalakpak nang malakas si Amira dahil don. Pasimple naman akong yumuko para bumulong sa katabi ko. 

"Hindi ka uuwi?" tanong ko. 

"Uuwi," mabilis na sagot niya nang hindi ako nililingon.

"Oh... finally?" 

"Yeah."

"So, ano'ng isusuot niyo?" muling tanong ni Amira kaya napunta sa kaniya ulit ang atensyon namin.

"May winner ba?" Zoe asked. 

"Wala naman. Pure fun lang, so walang pressure."

"I wanna wear Lara Croft so bad!" Zoe exclaimed, clasping her hands in excitement

Amira giggled at her. "OMG sexy! Parang gusto ko ng something funny this year. Nag-playboy bunny na 'ko last year eh."

"Ah basta kami ni Marco meron na." Malaki ang ngisi ni Elysia saka pa tinapunan ng tingin ang katabi.

"Hala, ano?" si Zoe.

"I'll wear a policewoman uniform, but the sexy version," Elysia said with a mischievous grin. "Tapos orange na prisoner outfit naman ang kay Marco. We'll even bring handcuffs for that extra touch."

Napairap na lang si Amira dahil don. "Lugi... lagi na lang couple outfits ang dalawang 'yan. Mga nanlalamang eh."

Tungkol sa magiging costumes namin ang naging takbo ng usapan. Nag-suggest pa si Gino na mag-men in black daw kaming tatlo nila Tob... pero ayoko non, baduy. Magpa-party ka tapos balot na balot? Naka-suit? Wag na lang uy. Nag-Jacob nga ako ng Twilight last year para naka-topless eh. 

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon