Chapter 09

406 38 8
                                    

Before lunch, I went home, which is only an hour drive from the condo. Hindi na ako nagdala ng gamit dahil may mga gamit naman ako sa bahay. Susulutin ko na ang pag-uwi bago tuluyang ma-busy sa shool.

I was greeted by Laya and Tala, the cutest dogs in the world, the moment I entered the house. They're both Chow-Chows. With a broad smile, I knelt down, my hands reaching out to scratch their fluffy fur. They wagged their tails excitedly as I leaned in and gave each of them a kiss on the head.

I missed them!

Naabutan ko naman si Mom at ang kasambahay namin na si ate Loisa na kumakain sa dining area. Bahagya pang nagulat si Mom nang makita ako dahil hindi ako nagsabing uuwi ako. Dali-dali siyang tumayo para bumeso sa akin. Parang nung nakaraan lang grabe niya ako bungangaan ah. Sabi ko na nami-miss lang ako nito eh.

"Oh, hindi mo naman sinabing uuwi ka," saad pa niya saka muling bumalik sa pwesto. "Kumain ka na?"

Tinawanan ko lang siya. "Busog pa po ako halos kakakain ko lang," sagot ko naman.

"Bakit umuwi ka?"

"Parang ayaw mo namang nandito ako," birong pagtatampo ko saka siya kinunutan ng noo.

"Of course! Isinuka na nga kita sa Manila di ba?"

"Grabe ka talaga sa'kin, mom. Parang di mo ko anak ah," wika ko. "Where's dad?"

"Alam mo namang maagang pumapasok ng office 'yon," she answered.

I heaved a sigh. "Buti pa si dad... he's workng so hard. Hindi gaya ng isa diyan na sarap buhay dito sa bahay."

Inismiran niya ako dahil don na ikinatawa ko. 

"You won't be getting your allowance next week. Ang kapal ng mukha mo ah."

"Si ate Loisa kasi tinutukoy ko!" agarang pagbawi ko. "Ate Loisa! Sarap naman ng buhay mo rito. Sana all ah," dagdag ko pa pero natawa lang siya.

Kasambahay na namin si ate Loisa magmula bata pa lang ako. She basically witnessed me grow up as if she's already a member of our family. Siya rin ang kasama rito ni mom sa bahay sa tuwing wala kami ni dad.

Inirapan lang ako ni mom. "Ba't kasi umuwi pa yung isa diyan. Ang tahi-tahimik na ng buhay namin dito," ganti niyang pagpaparinig sa akin.

Tinawanan ko siya. "I know you missed me, mom. I missed you too."

"Nambobola ka pa. Akala mo dadagdagan ko allowance mo."

"Kuripot," komento ko na lang bago tuluyang nagpaalam para magpahinga muna sa kwarto ko.

Both my parents are very nice, but it's really my mom whom I can joke around with like that. Dad is so serious about life that it's sometimes hard to tease him. Pero parehas naman silang supportive. Never silang nagkulang sa kahit na ano. We've never struggled financially, which is why they've been able to provide everything I've ever wanted since I was a child. Add to that the fact that I'm an only child.

I'm super blessed having them as my parents.

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama at napatitig sa kisame. Naalala ko na naman yung naging usapan namin ni Riley kanina. I never got the chance to apologize, dahil halata namang nainis siya sa'kin.

Should I say sorry? Pero hindi naman malala yung ginawa ko. Nang-asar lang naman ako. Pero kung na-trigger siya don, I cannot invalidate what he felt at that moment.

Hindi ko rin alam kung bakit hindi ako mapakali. Usually, lagi naman akong nananalo sa bangayan o sa asaran, pero kanina... talagang natahimik ako. Kaya naman kanina pa lang, habang nagda-drive ako, hindi mawala 'yon sa isip ko.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon