Chapter 03

441 36 18
                                    

"Yeah, he's like that," Gino chuckled while buttoning his uniform.

Tapos na kaming mag-shower at nagpapalit na kami ng uniform ngayon. Talagang hinantay pa muna naming matapos ang ilang players bago kami pumasok para rin hindi na kami makasikip sa dagsa nila.

"He's too pure and innocent. Natatakot nga akong biruin minsan kasi baka umiyak," dagdag niya pa saka na tuluyang binuhat ang duffel bag niya matapos makapagpalit. "Sobrang bait din, wala akong masabi. Kaya favorite agad ng mga prof namin eh. Hindi ko alam kung dahil second day pa lang ng klase at nahihiya pa siya... or baka ganon talaga siya. Sa pagkakaalam ko homeschooled kasi ever since."

Sabay-sabay kaming tumango. We're talking about that Riley guy. Hanggang sa paglabas ng locker room ay siya pa rin ang pinag-uusapan naming apat.

"Pero ang cute niya ha?" wika ni Marco na ikinatangong muli ni Gino.

"Yeah. Dami ngang nagkaka-crush don since first day. Ewan ko lang kung napapansin niya dahil parang wala lang sa kaniya," muli siyang natawa habang umiiling.

"Hindi ba may jowa?" pagsabat naman ni Tob. "I mean... we saw him yesterday. May sumundo sa kaniya."

Napahawak si Gino sa kaniyang baba at nag-isip. "Hmm... baka ayon yung Asher na sinasabi niya. We invited him for lunch yerterday since the three of us have the same schedule. Pero sabi niya may kasabay na raw siya, kaya next time na lang. Pero wala naman siyang nabanggit kung kaano-ano niya."

"Eh lalaki yung Asher," Marco said in a matter of fact tone, as if he's implying something.

Tinignan lang siya ni Gino na bahagyang nakakunot ang noo. "Girl or boy... I don't really mind. He can like whoever he wants."

Napakamot siya ng ulo. "Hindi rin naman gano'n ka-bigdeal sa'kin pre. Medyo nagulat lang ako."

"So bading nga siya?" I blurted out of nowhere.

"Hindi ko alam, dude. Who am I to tell? Why? Are you interested?" naging sunod-sunod ang tanong niya kaya nagsalubong ang mga kilay ko.

Napanguso ako saka nag-iwas ng tingin. Gusto ko lang naman i-confirm para maasar ko si Amira.

Wala rin namang kaso sa'kin kung bading nga siya. Ano naman?

Natawa ako kunwari. "I'm just curious. We often make jokes about gays so baka ma-offend siya if ever," pagdadahilan ko na lang.

"Then stop making jokes about them. It doesn't matter if he's gay or not. Just don't."

Natahimik ako. Ang angas naman nito! Nagbibiruan lang eh.

I heard Tob sighed heavily beside me.

"Pagpasensyahan mo na 'to pre. Bobo lang minsan," natatawang saad niya, talking about me. Kaya naman mabilis ko siyang sinamaan ng tingin.

Nang makabalik kami sa court, naghihintay pa rin sila doon kasama ang baby ko. Hanggang ngayon nahihiya pa rin akong kausapin siya. Hindi naman ako ganito kapag lumalandi, kayamot!

"Ughh finally! Gutom na gutom na ko oh," pairap na sabi ni Amira nang makita kami.

They all turned at us at the same time, their eyes fixed on our faces. Sabay-sabay pa silang napatayo mula sa pagkakaupo sa bench.

Dumiretso lang si Marco kay Elysia para, as usual, maglandian sila. "Pa-kiss na, love. Hindi na ko pawisan."

"Later hihi."

Ang sasakit sa mata!

We decided to have lunch together since vacant naman namin pare-pareho. Nauunang maglakad palabas ng gym si Marco at Elysia na hindi lumubay sa harutan. Nakasunod naman sila Riley, Amira, at baby ko. Nakita kong may kung ano pang sinusulat si Riley sa kaniyang notebook habang naglalakad na ikinailing ko. Tsk, parang si Tob din pala to. Habang nahuhuli naman kami nila Tob at Gino.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon