Paulit-ulit kong minumura ang sarili ko habang pababa ako ng elevator. Siguro kung may makakakita sa akin ngayon, matatakot dahil iisipin ay nasisiraan na ako ng ulo. Masisiraan na nga talaga ko ng bait dahil sa nangyari... tangina talaga.
Matapos kasi nung nangyari, inasar-asar pa ako ni Riley na para bang wala lang 'yon sa kaniya. Tinawanan pa ako! Kesyo bakit namumula raw ako... bakit daw hindi ako makatingin sa kaniya... ang peke daw ng ngiti ko... kaya ayon! Umalis na lang ako. Asar-talo ang gago. Kung hindi lang siya si Riley baka nabatukan ko na siya eh.
Hindi ko rin naman kasi ma-defend ang sarili ko dahil alam kong guilty ako. Kasalanan ko bang ang perfect ng mukha niya kaya ang sarap titigan... kaya ang sarap halika--fuck yourself, Kai!
Marahas kong sinuklay ang buhok ko, bahagya pa akong napasabunot dahil sa frustration. Bigla tuloy akong nagsisi nung umalis na lang ako basta don na akala mong bata na asar-talo.
Ang bobo lang. Sobrang immature.
Mabuti na lang nadala ko yung reviewer na gawa niya kaya ito na lang ang pagtutuunan ko ng pansin. Hiyang-hiya pa rin kasi talaga ko sa sarili ko. Hindi ko inaasahan na aakto ako nang ganon.
Sa moment kasi na 'yon... alam ko sa sarili ko na hindi ako aatras kung sakaling hinalikan niya ako. Hindi naman 'yon yung unang pagkakataon na makakahalik ako, normal na nga lang 'yon sa'kin... pero kasi lalaki siya?!
Pero hindi rin naman siya mukhang lalaking-lalaki...
Pero lalaki pa rin siya!
Ughh!
Kahit nung nakabalik na ako ng unit ko, hindi ko pa rin magawang mag-focus sa binabasa ko dahil distracted talaga ako. Hindi 'yon mawala sa isip ko. Siguro nga mababaliw na ko.
Kaya naman bumangon na lang ako at naupo sa table ko para mag-set up ng camera at lighting. Magla-live na lang ako at isang linggo rin akong walang update sa social media ko. Nagpo-post naman ako ng mga thirst traps... lalo na nung nag-hangout kami sa place ni Riley, pero iba pa rin kasi talaga yung live.
Hindi ko namalayan na ilang oras na pala akong naka-live. Focus na focus ako sa paglalaro at sa pagbabasa ng mga comments ng viewers ko. Haggang sa nakita ko na naging sunod-sunod ang pag-ilaw at pag-vibrate ng phone ko na nakapatong sa mesa. Dahil queuing pa lang naman yung game sa susunod na kalaban, tinignan ko 'yon.
Agad na nagsalubong ang kilay ko nang makita ang picture na sinend ni Amira sa group chat namin.
Screenshot iyon ng IG story ni Tob... pero picture iyon ni Riley. Naka-side view siya habang may binabasang libro. May mga bookshelves pa sa background niya.
The story was posted 32 minutes ago.
Amira Salvacion:
Amira sent a photo.
What the heck? Magkasama kayo?!Gino Abaya:
Bakit nasa library kayo?Zoe Peralta:
@Gino haltang hindi ka nagpupuntang library teh.
Hindi ganiyan ang library natinElysia Sandoval:
Bakit may pag-story? Ngayon ba yan?Mas lalong nangunot ang noo ko dahil hindi sila nagsi-seen dalawa. Alam kong ngayon 'yon dahil iyon yung suot na hoodie kanina ni Riley bago ako umalis ng unit niya.
Magkasama sila?
Hanggang sa natigilan na lang ako nang mabasa ang reply ni Marco.
Marco Mendoza:
Anong ginagawa ni Riley sa bahay nyo @Tobias??? You motherfucker!
Binahay mo naman agad!!! wAG KANG PAPAKITA SAKIN SASAPAKIN TLGA KITA
BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.