Chapter 12

375 34 5
                                    

"Hoy, ano'ng score mo?" lugmok na tanong ni Amira nang bumalik na sa amin ang mga papel namin.

Kinakabahan kami dahil hindi kami nakapagkopyahan kanina. Sobrang strict kasi nito ni Miss Lau. Kaunting galaw lang ng ulo mo, sasawayin ka na. Tapos kahit bulong lang ata naririnig niya. Kaya naman tanging sulyap-sulyap lang ang nagawa namin kanina. Eh si Marco at Tob pa ang mga katabi ko, na nakalimutan ding mag-aral dahil sa training kanina.

To be honest, may nasagot naman ako kahit papaano, pero natatakot pa rin akong tignan yung score ko. Thank you talaga sa reviewer ni Riley, sinave niya na naman ako big time. Ilang beses na niya kong sinave ngayong araw ah.

"Huy, patingin na!" pamimilit pa ni Amira at tangkang aagawin ang papel ko kaya agad ko 'yong iniwas sa kaniya.

"Bagsak 'yan wag mo nang tignan!" angil ko.

"Hay, ang epal naman nito. Titignan ko lang naman. Basta hindi ako ang lowest, okay na ko ron."

Inikutan ko siya ng mata. "Ah, so kapag mas mababa ako sa'yo, matatahimik ka na?"

"Oo naman! Duh."

I took a deep breath before opening it. I often get nervous about my score because I know it's usually low, or because I didn't get to study. But I'm more nervous now because I know I was able to review. Isa pa, ayokong ma-disappoint yung hiniraman ko ng reviewer kasi sobrang ganda ng pagkakagawa niya ron. Kung sakaling babagsak ako, isa na lang ang ibig sabihin non. Bobo talaga ko.

Pikit ang isa kong mata nang unti-unti kong binuklat paharap ang papel ko.

Feeling ko tuloy tinitignan ko kung nakapasa ba ako sa board exam. Eh di hamak na first quiz pa lang naman namin to. Pakshet.

My eyes literally widened when I saw my score.

Not bad!

Automatic akong napangiti kaya naman bigla nilang hinila ang papel ko. Wala na akong nagawa nang makuha iyon ni Tob.

Unti-unting nagsalubong ang mga kilay niya saka tinignan ako nang may pagdududa.

"Paano ka naka-15?" he asked with a puzzled expression. Our friends were also surprised, so Amira quickly snatched it from him."Gago, nangodigo ka?"

Bigla ko tuloy siyang nabatukan. "Kupal ka. Nakapagbasa ko nang kaunti."

Mas naningkit ang mga mata niya dahil don. "Ikaw? Magbabasa?"

"Oo bakit? Kala niyo sa'kin. Bakit ano bang score mo?"

"11 over 20," mabilis na sagot niya.

Hindi ko mapigilang mamangha kahit pa pasang-awa lang 'yon. Knowing na hindi siya nakapag-review, ibig sabihin stock knowledge lang yung kaniya!

"Ano'ng kadayaan 'to?" pagsingit na ni Amira. Itinaas niya pa ang papel ko na hindi pa rin makapaniwala. "9 lang ako teh!"

Tinawanan ko lang siya. "Ibig sabihin non, ako ang pinakamatalino sa ating lahat," pang-aasar ko lalo na nang malaman kong naka-9 lang din si Elysia habang 8 naman si Marco.

"Saan mo tinago yung kodigo mo?" pang-aalaska niya pa kaya naman nabato ko siya ng ballpen.

"Tanga! Hindi nga ako nandaya. Nagbasa talaga ako after ng training kanina kaya nga bigla akong nawala, di ba?" Tinignan ko pa si Marco at Tob. "Akin na nga 'yan!"

I snatched back my paper from them to check my mistakes. I got two identification items wrong because my answers weren't capitalized. Tapos minus 3 points naman yung sa essay na part dahil mahina talaga ako sa situational. Dapat pala mas binasa ko pa yung insights ni Riley na nakalagay sa reviewer. Hindi ko naman kasi alam na magpapa-essay pala kainis. Tapos kulang na rin ako ng time kanina.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon