Chapter 14

373 35 1
                                    

"I'm here." message ko sa kaniya nang makarating na ako sa tapat ng unit niya. Nanatili akong nakatayo ron nang ilang minuto bago ko tuluyang narinig ang pagbukas ng pintuan niya.

Nagtaas siya ng tingin nang salubungin ako. Pansin kong iba na ang suot niya at mukhang nakaligo na rin. Though, nakapambahay pa rin, he's just wearing a pajama and an oversized sweater. 

Mukha talaga siyang keychain. 

"Hi, come on in," he said softly before fully opening the door for me to enter.

The chilly breeze greeted me as soon as I stepped in. His unit seemed to be centralized. Given its size, I wonder how much his monthly bills are? I bet they're quite pricey for someone living alone.

Dumiretso siya sa dining area habang tahimik lang akong nakasunod sa kaniya. Pinaupo niya ako ron habang pinagmamasdan ko lang siyang ilapag ang pancake sa mesa. 

"I'm still trying to learn how to cook," nahihiyang sabi niya. "I hope pancake is enough for you. I also have bananas here, if you want some."

Bumaba ang tingin ko roon. Well, it looks decent. I mean, ang perfect nga ng pagkakaluto. Marunong naman akong magluto pero pag nagluluto kasi ako ng pancake, nagiging giniling ang kinalalabasan. Hindi ko siya mabuo hahaha.

"Don't worry about it. I don't eat a heavy breakfast," nakangiting sabi ko. Nagmamadali pa akong tumayo nang makita kong babalik pa sana siya sa kitchen para kumuha ng utensils. Kaya naman pinigilan ko siya. "Ako na," I offered.

Kumuha lang ako ng dalawang plato and utensils para sa aming dalawa. Pagkatapos ay inilapag ko 'yon sa mesa. 

"Thanks. Do you want some syrup?" muling tanong niya nang magkaharap kaming naupo. 

Umiling ako. "I also don't like sweets. It's fine with me, thanks."

"If you want some coffee, kuha ka na lang sa coffee maker ha?" aniya saka tuluyang kumuha ng pancake para ilagay sa plato niya. Ganoon lang din ang ginawa ko.

"Hmm, later," sagot ko. "Do you do your own groceries?" I wondered nang muli akong mapatingin sa piling ng saging sa lamesa. It looks fresh, na para bang bagong bili lang.

He nodded. "Yeah." 

Napataas ang dalawang kilay ko dahil don. "Wow... independent ka na talaga ha? I'm so proud," I commented. 

Natawa naman siya at bahagya pang namula ang tainga. "Well... I can't still do it on my own. So, nag-order lang ako sa grab."

Muntik na akong matawa pero pinigilan ko. "Baby steps... at least, di ba?" 

Naglagay lang ako ng butter sa ibabaw ng pancake bago ako tuluyang sumubo para tikman 'yon. Nakita ko namang pinanonood niya lang ako sa ginagawa ko na para bang inaantay ang magiging reaction ko.

"Hmm..." Tumango-tango ako nang tuluyang malasahan 'yon. "Not bad ah! Ang creamy, hindi masyadong dry kahit walang syrup. First time mo gumawa nito?" 

Napangiti naman siya nang tumango. "Yeah. I just saw it on tiktok. Ginaya ko lang."

He's really smart. He learns so fast.

"Ang galing mo naman," komento ko saka pinagpatuloy ang pagkain ko. "Mamaya pa class mo?" 

Sumubo na rin siya bago tuluyang sumagot. "Hmm, 10:30 pa."

It's still 6:40-ish AM, so maaga pa.

"Ikaw ba?" he then asked.

"After lunch pa," sagot ko.

Napataas naman ang dalawang kilay niya. "Oh, ang haba pa ng time mo."

"Exactly. Balak ko rin umidlip muna mamaya. Napuyat ako sa plates ko eh."

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon