Chapter 13

379 31 1
                                    

Ibinagsak ko ang katawan ko sa kama matapos kong maligo. Feeling ko pagod na pagod ako dahil andaming nangyari ngayong araw. Ang aga ko pang gumising kanina, tapos bukas kailangan ko ulit gumising nang maaga para sa morning jog ko.

Then after nung training namin, quiz agad nung first period kay Miss Lau, tapos nagbigay na agad ng activity yung isang major ko kaya naman kailangan ko pang gumawa ng plates bago matulog.

Eh kailangan ko nga matulog nang maaga dahil maaga pa ko bukas!

Nakaya ko naman yung ganitong setup nung mga nakaraang taon pero napapagod pa rin talaga ko. Siguro nga may hangover pa yung katawan at sistema ko sa bakasyon, kaya nabibigla ulit ako sa mga nangyayari.

Hindi naman sa nagrereklamo ako, ginusto ko 'to eh. 

Sabi nga nila... mapapagod at magra-rant lang, pero hindi susuko. Tangina patapos na ko eh, onti na lang.

Nag-scroll muna ako sa social media habang nag-iipon pa ako ng lakas ng loob para harapin ang kauna-unahang plates ko this sem. Hanggang sa nakita kong nag-notif ang messenger ko nang may mag-chat sa gc namin ng teammates ko. Iyon lang kasi at ang gc ng mga kaibigan ko ang hindi naka-mute sa akin.

PUSS Avalon University Basketball Team

Manager Riley:
Good evening, @everyone! I hope you are doing well. I just want to remind you of your morning jog tomorrow. Please comply. Rest well tonight and have a good one <3

Capt. Marco Mendoza:
Iyoown! Copy, @Manager Riley. Lagot saken mga di magccomply. Ayusin nyo boys.

Aries Salvacion:
Thnx boss. Good night <333

Genesis Von Yap:
Syempre, lods naming cute. Malakas ka sakin eh.

Martin De Leon:
Thank you, @Manager Riley!

It made me smile to see my teammates respecting and following him, even though he's new and probably the youngest among us. Sa bagay, sino ba naman ang hindi susunod sa kaniya eh ang lakas ng hatak ng ka-cute-an niya. Tapos grabe rin sila pagbantaan ni Yassy at ni coach Russel na huwag daw stress-in si Riley dahil kabago-bago pa lang daw nito.

Okay na sana eh, tapos bigla pang humirit si Tob.

Tobias Lim:
Of course, Ry. Gusto mo sendan pa kita ng selfie ko habang nagja-jogging eh :))

Manager Yassy:
Wag na teh @Tob! Sisirain mo pa ang araw ni Riley.

Ron Fernandez:
Lods, baka maumay 'yan.

Patrick Reyes:
Ako rin sendan mo papi. Tapos dapat yung pawis ka hahahaha

Humagalpak ako ng tawa nang makitang maging ang mga rookie namin ay binabara siya. Malalakas din pala mang-asar 'tong mga 'to. Mukhang magkakasundo talaga kaming lahat. 

Unang practice game pa nga lang namin kanina, grabe na yung gulo nila eh. Pero seryoso naman sila during ng game. Medyo hindi pa namin kabisado ang game ng bawat isa, pero masasabi kong malakas ang team namin ngayon kahit maraming nawala. Ayusin lang talaga ni Coach Russel ang lineup.

Manager Riley:
No need naman, Tob. Pero sige hahahaha

Tobias Lim:
Okay, yung topless pero for your eyes only :)

Manager Yassy:
Eww. Pero puro topless naman ang pics sa ig

Agad na nangunot ang noo ko kaya naman pinindot ko ang profile ni Riley para sendan siya ng private message.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon