"Hoy... anong halata? Sapakin ko kaya ulo mo!" habol kong sigaw sa kaniya pero nakalabas na siya ng balcony.
Gago 'yon ah. Minasama pa ata ang pagiging concern ko kay Riley. Hindi naman ako bobo para hindi ma-gets kung ano ang pinupunto niya.
Napailing na lang ako. Isipin niya kung ano ang gusto niyang isipin. Wala namang kaso 'yon.
I glanced down at the banana I was holding, realizing I hadn't even taken a bite. I tossed it into the nearby trash bin since I wasn't really in the mood to eat it. Then, I stepped out onto the balcony to join them.
Naabutan ko silang nakatipon sa lounge chairs na nakahilera sa gilid habang nagku-kwentuhan ng kung ano-ano. Gino even greeted me with a teasing smile, so I just ignored him.
I settled into a vacant chair, reclining and resting my left arm on its armrest. Stretching out, I gazed up at the night sky. The moon cast a soft glow, illuminating the entire sky, while the stars twinkled playfully alongside it, creating a scene that calms my system.
The past few days have been so stressful. Mabuti na lang talaga may mga ganito kaming moments para makahinga kahit papaano. Their idea of having a study session is actually great, at least I don't feel suffocated in my room while studying. We've been really productive too because somehow, we've been able to stick to our timetable.
Medyo nabawasan din yung pressure ng midterms dahil kahit papaano nakaka-catch up naman ako sa mga lessons na inaaral namin. Ganito pala ang feeling kapag hindi ka nagpo-procrastinate. Panay cram lang kasi ako. It's the kind of studying where you cram the night before the exam, which is really exhausting. And to make it worse, imagine doing it for the entire week. Wala ka na ngang tulog tapos stressed ka pa kasi hindi mo nasagutan nang maayos ang exam niyo.
Around 8 PM nang matapos kami, pero pasado alas nuebe na sila umalis dahil nag-dinner muna kami gaya ng nakagawian. Hindi gaya nung first night namin, nagugulat na lang ako pag napapansin kong seryoso talagang mag-aral ang mga kaibigan ko. Hindi ko inaasahan na maski si Amira, napapatahimik at tutok na tutok kapag nagre-review eh. Akala ko puro kopya lang ang alam non.
"Hindi ka pa tapos?" takang tanong sa akin ni Riley nang kami na lang dalawa ang natira sa unit niya. Nagpaiwan kasi ako dahil hindi ko pa feel na bumalik ng unit ko. Tinatamad pa akong bumaba. Wala namang balcony ron... hindi gaya rito. Ang presko pa ng hangin. Akala mong wala ka sa city.
"Tapos na," tipid na sagot ko saka ipinikit ang mga mata habang nakahiga pa rin sa lounge chair at nagpapahangin. Kahit nakapikit, damang-dama ko ang tingin niya na ipinupukol sa akin.
"Wala ka nang gagawin?"
Narinig ko ang pagtunog ng katabi kong lounge chair. Naupo rin ata siya.
"Wala na. Kung may gagawin ka pa, pwede mo namang gawin. Wag mo na akong samahan dito. Patambay lang saglit."
"Wala na rin akong gagawin."
Binalot kami ng katahimikan. Akala ko nga ay umalis na siya dahil nanatili pa ring nakapikit ang mga mata ko, hanggang sa narinig ko ang pagtunog ng parang plastic wrapper.
Nagmulat ako ng mata para lingunin siya. Agad na nagsalubong ang mga kilay ko nang makita kong tila enjoy na enjoy siya sa pagkain ng dried mangoes. Hindi niya nga ata napansin na nakatingin na ako sa kaniya.
Nanatili ako sa ganoong pwesto. Inaantay kong alukin niya ako, pero lumipas ang ilang minuto ay hindi man lang niya ginawa. Kaya naman nagsalita na ako.
"Pahingi ako," mahinang saad ko na ikinalingon niya.
He just scrunched his nose like a kid.
"Ayaw ko," mabilis na sagot niya saka pa bahagyang tinago ang isang pack ng dried mangoes na ikinaawang ng bibig ko.

BINABASA MO ANG
Rhapsody in Bloom (BL)
RomanceAfter being homeschooled his entire life, Riley will be stepping into the bustling world of university life for the first time. He's determined to break free from the familiar and finally experience the life he has missed.