Chapter 16

390 34 1
                                    

It's fucking Thursday, it means may morning class na naman kami. Ang malupit pa... yung subject pa namin kay Miss Lau kung saan kaklase namin sila Riley. Siya lang ata ang nag-eenjoy sa subject na 'yon eh. 

Kagagaling lang namin tatlo nila Tob at Marco sa morning jog namin kaya nandito na naman sila sa unit ko dahil hassle pa raw kung uuwi pa sila, lalo na kay Tob. 

Kahapon pa rin ako hindi nilulubayan ni Amira dahil lang sa naiinggit siya sa story ko. Mabuti na lang hindi na kami magkaklase kaya sa chat niya lang ako ginulo buong araw, saka nung nag-dinner kami nang sabay-sabay after ng classes namin.

Tinatanong niya pa nga ako kanina kung nandito raw ba ulit si Riley sa unit ko at pupunta raw siya. Hindi ko talaga maintindihan yung babaeng 'yon kung malakas ang tama kay Riley eh. Akala ko trip niya lang baby-hin, pero gusto naman niya laging nakikita at nakakasama. 

Sorry sa kaniya... ako yung neighbor ng baby niya hahahaha.

Speaking of Riley, as usual, he handed me a smoothie earlier before our morning jog. Then he went back up to his unit, refusing once again to join us despite our efforts to convince him.

Tinanong ko siya kanina kung gusto ba niya tumambay ulit dito, pero ang sabi niya ay may gagawin pa raw siya. Kaya naman nandito lang ako sa loob ng kwarto ko ngayon, habang yung dalawa ay nasa labas at hindi ko alam kung ano ang ginagawa. Mag-aningan sila don kung gusto nila.

Dahil hindi naman na ako maka-idlip, nag-post lang ako ng lip sync thirst trap sa tiktok pagkatapos ay nag-scroll na lang ako sa social media ko. Pabalik-balik lang ako sa mga apps hanggang sa makarating ako sa messenger. 

I unconsciously clicked my convo with Riley, and typed a message.

Kai Pascua: 
Hey. What are you up to? 

Medyo nagulat pa ako nang makita kong sineen niya 'yon agad at lumabas na typing na rin siya. 

Cutiekittens: 
Studying. 

Eh? Ang tipid naman. Busy nga ata talaga siya.

Kai Pascua: 
May quiz ka mamaya? 

Cutiekittens: 
No. For Miss Lau. 

Bigla akong napaupo nang mabasa 'yon dahil biglang nag-panic ang sistema ko. 

Kai Pascua: 
Ha? For what?
May quiz ba ulit mamaya????

Cutiekittens:
Haha wala. Advance study lang.

I sighed in relief. Yung subject pa ata na 'yon ang magiging dahilan para magkasakit ako sa puso. 

Kai Pascua: 
Goods 'yan.
Isalba mo ulit kami mamaya pag nagtawag si Miss haha.

Cutiekittens:
Magbasa ka na rin may readings naman siyang binigay.
Madali lang naman yung topic.

Kai Pascua: 
About saan ba? 

Cutiekittens:
Gender equality. 

I scoffed.  

Kai Pascua: 
Basic na 'yan sa'kin.
Tinuturo na 'yan since highschool.

Cutiekittens:
Good for you.

 Kai Pascua: 
Hehe see you na lang mamaya
Sabay-sabay na tayo pumasok nila Tob

Cutiekittens:
Okay.

Nag-heart react na lang ako ron para hindi na siya maabala pa. Kailangan niya rin 'yon dahil siya talaga ang pambala namin sa subject na 'yon. At least sure nang hindi iinit ang ulo ni Miss Lau sa tuwing walang makakasagot dahil nandiyan naman siya para saluhin kami if ever haha.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon