Chapter 17

366 35 1
                                    

I fucking hate my Friday schedule to the core. Sino ba naman kasi ang gugustuhing alas otso na ng gabi ang tapos ng klase mo? 

Sobrang napipikit na ako kanina sa tatlong oras na klase namin sa isang major subject dahil sa sobrang antok. Pakiramdam ko nga magdudugo na yung binti ko kakakurot para lang labanan ang antok ko. 

Ang aga aga ba naman kasi ng training namin tapos sobrang late na ng tapos ng klase namin. Ang tanging nilu-look forward ko na lang every Friday ay yung gimik after class, saka yung fact na wala nang pasok kinabukasan.

Speaking of training, hanggang ngayon hindi ko pa rin nakakausap nang matino si Riley. Sabay-sabay kami kanina na um-attend ng training pero tanging si Tob at Marco lang ang kumakausap sa kaniya. Tapos nung practice game naman, hinila na naman siya ni Yassy para mag-asikaso ng kung anong documents kaya nawala na naman siya.

Hindi rin kami nakakapag-usap pa kahit sa chat mula nung nahuli niya ako kahapon na may kalingkisan sa loob ng campus. Usually kasi ako ang nauunang mag-chat sa kaniya. Pero ngayon... hindi ko magawa.

Hindi ko alam kung bakit nahihiya pa rin ako sa kaniya. 

Ilang beses naman na akong nahuli ng mga kaibigan ko na may nilalandi. Kung minsan nga nakikipag-make out pa ako sa harap nila, lalo na kapag nasa bar kami, pero wala naman akong pakialam. Kahit asar-asarin pa nila ko kinabukasan, proud pa akong tatawa sa kanila.

I feel like I have some explaining to do... pero bakit? 

Hindi ko kasi makalimutan yung tingin na binigay niya sa akin bago siya tumalikod at naglakad palayo. The way he scrunched his nose... para bang nandidiri siya sa nasaksihan niya.

Baka isipin niya na ang dumi-dumi ko at sa sobrang libog ko kaya nagawa kong makipag-kiskisan ng katawan sa loob ng campus. 

Eh totoo namang nag-init ako, anong magagawa ko? Lalaki lang din naman ako na matagal nang walang ganap, kaya tinamaan. 

Napailing na lang ako.

Bakit ba ako nag-eexplain tang ina naman!

Napagdesisyunan namin na umuwi muna sa kaniya-kaniya naming condo para naman makapagpalit muna kami. Hindi na raw sila papayag na matulog nang naka-uniform pa kagaya last time, lalo na't nakakahiya raw dahil sa place kami ni Riley for the first time.

Dahil medyo malayo si Tob, at hassle kung uuwi pa siya, sumama na muna siya sa'kin pabalik ng unit ko dahil may baon naman na siyang damit sa sasakyan niya na naka-park sa tapat ng building ng condo ko.

Sinabihan din kami ni Riley kahapon sa group chat na magdala ng extrang damit just in case we want to swim. Yes, gumawa kami ng bagong group chat kasama silang tatlo. Hindi naman namin sila pwedeng i-add na lang basta sa dating gc namin dahil masyadong maraming baho ang mabubunyag sa gc na 'yon kung nagkataon.

As usual, na-excite ang mga girls. Pero ang inisip lang nila na sa rooftop pool kami mags-swimming dahil ilang beses na rin silang nakapag-swimming don. Open naman 'yon for all tenants. You just have to pay a certain amount kapag guest ka, or may kakilala kang someone from the building.

I just kept my mouth shut because I didn't want to spoil the surprise. Where's the fun in that? Nae-excite pa naman akong makita ang mga reaction nila mamaya.

I slipped into my typical black tank top and swimming trunks. Ito na rin ang gagamitin ko if magkayayaang maligo, which, knowing us, is entirely possible.

Tinamad na rin akong magbitbit ng gamit kaya naman naisip kong bababa na lang ako ulit dito para makapagpalit. May extra towels naman daw si Riley para sa amin kaya hindi na rin niya kami pinagdala.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon