Chapter 00

1K 38 7
                                    

This story contains language and expressions that some readers may find offensive, including strong and vulgar words. These elements are integral to the authenticity and tone of the story, reflecting the raw emotions and realities depicted within.

Reader discretion is advised.

Caius "Kai" Pascua

"Kasalanan niyo kung bakit ngayon lang natin ite-take 'tong GED na 'to!" rinig kong pagra-rant ni Amira. "Imagine, third year na tayo tapos may GED na subject pa rin tayo!"

"Ang clingy nyo kasi! Mga ayaw maghiwa-hiwalay amputa," pagmamaktol na sagot naman ni Marco.

"FYI hindi ako nag-agree rito. Pinilit niyo lang ako!"

I groaned. "Shut up, Amira, kahit isang pagkakataon lang. Naba-badtrip ako sa tinis ng boses mo." Minasahe ko pa ang sentido ko dahil pakiramdam ko ay tumitibok ang ulo ko.

Nakaupo na ang group namin sa pabilog na mesa sa loob ng classroom namin. Kanina pa ako naiinis dahil hindi naman ako dapat papasok dahil for sure orientation week pa lang naman. We will be marked as absent but still, wala naman kaming mami-miss na lesson or activity if ever. Naka-set na ang katawan ko na tanghali ako gigising para sa afternoon class ko pero sinundo nila ko kanina sa condo ko para gisingin. Ang lala tuloy ng sakit ng ulo ko, dinagdagan pa ng hangover.

Parang mga gago kasi. Mga mag-aaya pumarty eh may 10:30 AM class kami.

Namilog ang mga mata ni Amira nang harapin ako. She looked offended by my remarks. "Excuse me! Huwag mo kong idamay sa init ng ulo mo purket hindi ka nakahanap ng didiligan kagabi," aniya na ikinatawa ng mga kasama namin.

Humalukipkip ako at kinunutan siya ng noo. Hindi talaga siya titigil.

"Anyare sa kamomol mo kagabi?" pagsabat naman ni Tob habang nakangisi na halatang nang-iinis.

Inikutan ko siya ng mata. "May jowa pala gago," umiiling-iling na sabi ko na mas ikinahalakhak nila.

Nakuha tuloy namin ang atensyon ng mga kaklase namin na nasa kabilang table.

"Eww! Cheater enabler," pang-aalaska ni Amira.

"Alam ko ba, ha? Tangina siya yung unang dumikit sa'kin kaya syempre automatic akala ko walang sabit. Magloloko sa jowa tapos idadamay pa ko."

"Ganyan ka na ba katigang ha? Basta may tumuka, sinusunggaban mo agad."

"Gago chineck ko naman muna kung malaki yung cocomelon. May taste naman ako."

"Kaka-cocomelon mo, magugulat ka na lang makikita mo yung mukha mo sa viral post bilang kabit. Kadiri ka."

"Okay lang. Pogi naman."

"Pogi my ass! Kasalanan mo pa rin kung bakit tayo nandito. Bobo ng suggestion mo."

Marahas akong napakamot ng noo dahil sa frustration. "Ang sakit sa tenga ng boses mo. Sumasakit ang ulo ko lalo eh!"

"Desurb tanga!"

"Mahiya ka nga sa mga kaklase natin," saad ko dahil pansin kong unti-unti nang napupuno ang classroom. "Be a good role model as their senior."

Muntik nang mauntog ang noo ko sa table nang malakas niya kong batukan. "Kanina pa nga ko nahihiya kaya hindi ako matahimik dito! Tignan mo naman. Mga bagets 'tong mga kaklase natin. Tanga ka kasi."

Automatic na lumibot ang mata ko dahil don. Pansin kong mga bata nga ang majority sa kanila. For sure karamihan ay freshmen or second year dahil mga major subjects na lang ang meron sa third at fourth year.

Rhapsody in Bloom (BL)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon