13

203 5 0
                                    

"What? Kanino?"

Sunod-sunod na tanong pa n'ya sa 'kin habang marahan s'ya naka tingin sa 'kin. Napailing nalang ako tsaka s'ya tinalikuran para mag bihis.

"Kanino ka nag seselos? Hahalikan kita sa harap n'ya... I'm sorry... Kung pinaramdaman kita ng ganyan..."

Napatingin naman ako sa kaniya. Seryoso ba s'ya? Kung sabihin ko kung sino baka nga gawin n'ya ang sinabi n'ya. Nakakahiya naman kung halikan n'ya ako sa harapan ni Emilia.

"H'wag na. Baka magalit si Manang kung halikan mo ako sa harap ng anak n'ya," seryosong sabi ko.

Tinitigan pa n'ya ako ng ilan minuto bago nakuha ang gusto ko iparating. Maya-maya pa naka rinig ako ng isang malakas na tawa.

"What the?" namumula na s'ya kakatawa. "So nag seselos ka kay Emilia?"

Hanggang sa tumigil na s'ya sa pag tawa at pinunasan ang luha n'ya sa gilid ng mata. Pulang pula na s'ya ngayon. Anong nakakatawa don? Mas naiinis ako lalo!

"Yes," sagot ko, ang tapang ko ngayon.

Wala naman pinang hahawakan.

Humakbang pa s'ya papalapit kaya mas lalo bumilis ang tibok ng puso ko. Umirap naman ako at akmang aalis na ng hawak n'ya ang pulsuhan ko.

"That's it. When you want to talk, just tell me...I don't want you to hide anything from me," he whispered before he kissed me.

Hindi naman matagal 'yon at humiwalay na rin s'ya sa 'kin. Matagal pa n'ya akong tinitigan bago ako umalis. Lumabas muna ako ng veranda para mag pahangin saglit. Dala ko pa ang towel para patuyuin ang buhok ko.

"You are the one we were talking about..." napalingon ako sa tabi ko ng lumabas din s'ya sa venranda. "Earlier..."

"Ano?" sinamaan ko s'ya ng tingin. "Bina-backstabb n'yo ba ako?!"

"Of course not..." mahinahahon na sabi n'ya. "Napag-usapan ka lang namin. 'Yon lang 'yon."

Hindi ako kumbinsido sa pinag-sasabi n'ya kaya inirapan ko nalang s'ya. Ang layo ng tingin ko sa karagatan. Kitang-kita pa rin ang makintab na tubig non kahit medyo padilim na rin.

"Kumain na muna tayo," pag-aaya n'ya. "Lynette..."

"Mauna ka na," inis na sabi ko.

"Edi hindi na rin muna ako kakain," seryosong sabi n'ya.

"Manigas ka d'yan sa gutom," inis na bulong ko.

Alam ko naman na narinig n'ya 'yon dahil narinig ko pa ang mahinang pag tawa n'ya.

"Galit ka pa rin ba?" alinlangin na tanong n'ya. "Ano ba ang pwede ko gawin para mawala yung galit mo?"

Lumapit pa s'ya sa 'kin at isinandal ang siko sa railings. Umiwas naman ako ng tingin para hindi mag salubong ang tingin namin dalawa. Ano ba tingin 'yan. Alam naman n'ya nanlalambot ako d'yan. Pero syempre, magmamatigas pa rin ako.

"Inumin mo lahat ng tubig d'yan sa dagat." bwisit na sabi ko.

Tumawa pa s'ya bago ako kilitiin. Napa iwas kaagad ako ng ulitin n'ya 'yon kaya napaatras ako. Sinamaan ko naman kaagad s'ya ng tingin. Kailangan pa ba 'yon?

"Ano ba?!" hindi ko na napigilan ang pag tawa. "Akala nito nakaka tuwa pa! Isa! Lui! Ano ba?! Tangina!"

Paulit-ulit pa n'ya ako na kinikiliti kaya wala na akong nagawa kung hindi tumakbo sa loob. Hinabol pa n'ya ako kaya ikinulong ko nalang ang sarili ko sa kumot.

"Umayos ka. Hindi na 'ko natutuwa," pag babanta ko.

"Hindi na 'ko natutuwa," he mocked me.

Binato ko naman kaagad s'ya ng unan. Hilig na n'ya ang gayahin lahat ng sinasabi ko kapag na bwi-bwisit ako sa kaniya. Pero nakukuha naman n'ya kaagad ang tawa ko.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now