01

542 5 0
                                    

DISCLAIMER: this is a work of finction. Names, characters, business, places, locales, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a finction manner. Any resemblance to actual person, living or dead, or actual events are purely coincidental.

Hello, this story is unedited version. But I promise I'll get back to it when I finish the whole story. Thank you so much, enjoy reading!

This is still a work in progress, but you can read out some of my stories in the Pentalogy Series.

I wrote this dahil boring ako HAHAHAHAHA so, baka may mga chapter kayo na hindi magustuhan at ganon din ako. Gaya nga ng sabi ko, babalikan ko rin kapag nag karoon ako ng extra time.

The story is not affliated with LPU/ NU/ UST/ UP/ ADMU/ other univerisities

***

"Kausapin mo naman ako, Lynette."

Kanina pa ako naiinis sa lalaki 'to. Many students were looking at us because of his loud voice. I put down the tray I was holding and looked at him intently.

"Punyeta, Juaren. Ano ba ang gusto mo?" Inis na usal ko.

Habang naka tingin lang sa 'min ang mga kaibigan ko habang kumakain. They don't even want to wean this man. After all, they are used to this kind of prospect.

"Akala ko ba tropa tayo?"

Mas lalong uminit ang dugo ko sa kaniya ng marinig ang tono ng boses niya na parang pa-iyak na. Amputa talaga iiyak siya sa harapan ko? Ang aga naman mag drama nito.

"Akala ko ba malinaw sa 'yo bago natin gawin 'yon, huh?" I hissed.

Malinaw ko naman pinaliwanag sa kaniya nung una na wala sa isip ko ang pag pasok sa isang relation. Tapos mag aalburoto siya ngayon sa harapan ko? Siraulo pala ang isang 'to.

"Hindi lang naman 'yon ang habol ko sa 'yo." Nakayukong sabi niya sa akin. "Mahal kita, Lynette..."

Gusto ko mag pakawala ng tawa dahil sa sinabi niya. Love, huh? I don't really believe that, so how can I show and make someone feel it?

"Kaya ngayon umalis ka na baka hindi kita matansya. Kakain pa ako wala pa akong kain baka maubos ang pasensya ko sa 'yo." Maangas ko siyang tinalikuran.

I watched him leave with his head down, accepting his defeat. Tumataas pa ang dalawang balikat niya senyales ng pagiging emosyonal. I don't want to hurt other people's feelings as much as possible. Kaya nga nag se-set ako ng boundaries bago namin gawin 'yon. Kung mahuhulog sila sa akin, hindi ko na kasalanan 'yon. Dahil klaro ko naman pinaliwanag kung hanggang saan lang ba talaga ang kaya kong ibigay. Kung laro lang ang hanap nila ganon din ang ibibigay ko.

"Siraulo ka, Lynette. Pina-iyak mo 'yung tao." Pagka-upo ko sa harapan ng mga kaibigan ko inayos ko ang mga pagkain ko.

"Patahanin mo, Kris. Hindi kaya padedehin mo para tumahan," barumbadong sabi ko naman sa kaniya.

Besides, I don't know Juaren that well yet. Maybe he has a girlfriend. Mahirap mag kasabit 'no. Nangyari 'yan nung isang beses sa instagram. Galit na galit sa akin yung girlfriend. Kung ano-ano ang pinag sasabi sa akin sa instagram. Aanohin ko naman yung boyfriend niya facially disturbing.

Natapos rin kami kumain sa cafèteria. We took the touristim course, second year. Noong bakasyon dalawa ang pinag pipillian ko. FEU or LPU, pero napag desisyon ko na dito nalang mag-aral sa LPU dahil marami akong naka hook up sa Piyu. Mahirap na baka mamaya mapa-away pa ako doon.

Hindi rin naman nakakapagod 'tong araw na 'to kaya nag-ayos na kami kaagad. Mukhang may lakad ang mga kaibigan ko dahil iyon ang bukangbibig nila kanina pa. Malamang sa malamang inuman nanaman 'yan.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now