02

339 3 0
                                    


Ilang araw na rin ang huling pagkikita namin. Ayoko naman na ako ang mag follow sa mga social media account niya. Masyado akong maganda at masarap para gawin iyon.

Kaya wala akong ibang magawa kundi ang tumamabay dito sa condo ko kaysa mag entertain ng ibang lalaki. Himala nga at nag sasawa na ako sa tite ng ibang lalaki.

"We should celebrate that!"

Malakas na hiyaw ni Pierre sa loob ng condo ko ang umaalingawngaw. Habang hawak ang can ng beer pinapanood ko sila mag kwentuhan sa sala ng condo ko, lahat ng kaibigan ko andito. Akisha, Pierre, Avi, Keziah and Yael.

"May bar na malapit diyan," prenteng sabi ko naman sa kanila.

"Alak nanaman? Tangina, wala ba kayong awa sa mga atay niyo?" Reklamo kaagad ni Akisha.

"Wow, sino kaya 'tong aya nang aya sa 'min ni Avi sa Dapitan uminom nang uminom, ha?" Tanong naman sa kaniya ni Keziah. Napanguso naman kaagad si Akisha.

"Hayaan n'yo na, minsan nalang naman tayo mag kakasama!" Tumayo na sila at naiwan naman naka tulala si Avi. "Ate, tara na."

"Let's go, I'll drive," kinuha ko kaagad ang susi ko na naka patong sa coffee table, walang pasabi lumabas ng condo.

Halos sa hallway boses lamang ni Akisha ang naririnig namin, minsan sinusuway ko na huwag masyadong ma-ingay.

Baka mapalayas ako ng wala sa oras dito. Tumahimik naman kaagad siya, takot mawalan ng matatambayan. Pagkarating namin sa parking lot, humiwalay si Keziah at Avi at kay Pierre sasakay. Napa iling naman ako dahil don

"Tangina, sa akin pa talaga yung maiingay?" Reklamo ko habang tinitignan ko ang dalawa, naka ngiti naman na parang bata sa harapan ko.

"Team OA tayo!" sabi sa akin ni Akisha, tumatawa.

"Ang sama mo naman sa 'min, Lynette. Kaibigan pa ba turing mo sa amin," reklamo ni Yael, nakanguso. "Kaibigan pa ba ang turing mo sa 'min o mortal na kaaway, huh?!

"Punyeta," napamasahe pa ako ng sentido ko ng dahil sa ingay ni Yael.

Umikot nalang ako sa driver seat's, ako ang nauna kay Pierre dahil ako ang may alam kung na saan ang bar na tinutukoy ko. Habang nasa byahe, kumakanta lamang si Akisha na sinasabayan ni Yael, tangina. Parang mga bata ang mga hayop.

"Don't wish 1.075!" sabi ni Akisha, ang lakas ng tawanan nila sa loob ng sasakyan ko.

Natawa naman ako sa iniisip ko kagaguhan, ibinaba ko ang bintana sa likod upang makita sila ng mga tao sa labas na nag hihintay tumawid. Akala ko'y mahihiya ang gaga sa pag kanta pero mas nilakasan pa n'ya ang boses n'ya! 'Tong gaga na 'to!

Tumawa nalang kami nang malakas dahil vini-videohan na s'ya ng ibang tao. Dahil nag-green na ang stop light, pina andar ko na ang sasakyan ko. Top nanaman kasi si Akisha sa Dean's kaya napag desisyonan namin i-celebrate. Inom malala ang tanging alam namin.

"Kahit maaga ang dami kaagad na tao 'no?" sabi ni Keziah, pag pasok namin.

"Baka 'yan pa yung kagabi, walang tulog," sabi ni Akisha, natatawa.

Nag pa-reserved lang ako ng table bago kami pumunta dito, ayaw namin sa VIP room dahil wala kami masyadong makikita na tao. Hobby na namin na mag babarkda 'yon, ewan, ang saya kas. Ang dami mo nakikita iba't ibang emosyon kapag andito ka na sa bar, kahit madilim makikita mo na may, umiiyak, tumatawa ang iba nakiki pag away pa.

Wala pasabi ako nag-order ng alak. Nakita ko kaagad na napangiwi ang mukha ni Yael dahil sa in-oder kong Black Label. Wala naman s'yang magagawa dahil libre ko. Aaw niya naman mag ambag! Napaka kuripot ng animal.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now