"Wake up, lady!"Napadilat ako ng mata ng may maramdaman ako na nag hagis sa akin ng unan. Kinusot ko ang mata ko. Kahit nanlalabo pa ang mata ko nakita ko na kaagad si Lui na bagong ligo lang. Amoy na amoy ko pa nga ang sabon na ginamit n'ya. Ang bango! Kita ko pa nga ang ilan hibla ng buhok niya na basa pa.
"Anong oras na ba?" Inaantok na tanong ko. Tumagilid ako ng makita sa may terace na wala pa sinag ng araw.
"5 AM," nakangiting sabi n'ya. Good mood naman nito masyado. "Tara na. Akala ko ba mag su-surf pa tayo? Salubungin natin ang araw."
"Fine.." I yawned.
Hindi naman talaga ako morning person. Pero wala na ako nagawa ng mag-aya siya. Idea ko rin naman kasi ito. Gusto ko rin naman mag surf. Kahit nagawa na namin 'yon noong nakaraan araw. Iba kasi sa feeling. Marunong na kasi ako kahit papaano!
"Anong gusto mo kainin? Seafood? Hipon?" sunod-sunod na tanong n'ya.
Hindi ko nga namalayan na sumunod na pala s'ya sa akin sa banyo. Umusog naman ako ng konti para maka pag-tooth brush s'ya sa tabi ko. Inaantok pa talaga ako! Wala pa ako sa wisyo.
"Tilapia kaya? Tapos itlog na maalat?" sabi ko habang nag lalagay ng tooth paste.
"Anything for you," kumindat pa siya.
Napailing nalang ako! Kung makaakit naman 'to. Masyado pa maaga para diyan, Lui! Alam mo talaga kung saan ako kukunin.
"Done?" He asked. Tumungo ako tsaka pinunasan ng towel ang gilid ng labi ko. "Tara na sa baba. I'll cook for us."
Sabay kaming lumabas ng banyo tsaka pumunta sa baba. Pagkababa, sobrang linis na ng lugar! Ang aga naman nito magising. Ang bango pa. Nakapalibot na sa sulok ng lugar namin ang pabangi na gamit niya. Kahit nga sa may kusina, sobrang linis na. Hinila ko naman ang upuan sa tapat ng lamesa. Napatulala nalang ako ng ipagtimla n'ya ako ng kape.
"Anong iniisip mo?" ayan nanaman s'ya sa ganyan mga tanong.
"Wala naman," natatawang sabi ko. "Anong nakain mo? Good mo yata ngayon."
"Nothing." he chuckled. Mas natawa siya ng makita ang sunod-sunod na pag hikab "Sleepy head," umiiling na sabi n'ya sa akin.
Surfing, huh? Natakot tuloy ako. Ang pagkakaalam ko naman may regla ako bago kami pumunta dito sa La Union. Hindi nga tumigil 'yon noong nakaraan araw. Safe naman. Nakaka pag-take din naman ako ng pills sa tamang oras.
Ininom ko naman ang kape na itinimpla niya sa akin. Nag umpisa naman siya mag gayat ng kung ano doon sa may kusina. Naamoy ko na kaagad ang nilulito niya!
"Ang bango!" sabi ko sabay lapit sa kaniya.
Nag priprito pala s'ya ngayon ng tuyo. Lumipat naman ako sa ref para kuhanin don ang kamatis para hiwain. Ayoko naman na naka tingin lang sa kaniya.
"Anong ginagawa mo? Ako na dyan," suway n'ya sa 'kin. "Umupo ka nalang don... please?"
"Kaya ko naman! Hindi ako sanay na walang ginagawa," pag susungit ko. "Tignan tignan mo! Baka masunog!" Pagtutukoy ko sa priniprito niya.
He chuckled a bit. Naging busy na s'ya sa pag priprito habang ako naman nag hahain nalang sa may lamesa. Ilan minuto lang natapos na rin s'ya sa ginagawa n'ya. Ang bilis niya kumilos! Walang inaaksaya oras.
"Kakain na!" tuwang-tuwa sabi n'ya. Para ba tuloy siyang bata ngayon.
Umupo na rin s'ya sa harapan ko bago kami kumain sa harapan. Napatingin s'ya sa cellphone n'ya kaya ibinaba n'ya ang kutsara. Ano 'yon? Sino 'yon?
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...