17

174 3 0
                                    

"Kumain ka na muna, please..."

Nakatalikod ako kay Pierre habang pinipilit pa rin niya ako na kumain ng hapunan. Mag damag lang ako nasa kwarto ng condo ko. Inayos ko pa ang comforter para italukbong 'yon nang maayos sa katawan ko.

"Para naman may lakas ka, Lynette. Mag hapon ka nalang ganyan. Ikukulong mo nalang ang sarili mo dito?"

Nag matigas ako. "Iwan mo nalang muna ulit ako Pierre."

"What?" rinig ko ang pagkairta sa boses niya. "Pano ko gagawin 'yan, huh? Nakikita mo pa ba ang sarili mo, Lynette?"

Dahil sa sinabi niya umupo ako para harapin siya. Namuo kaagad ang luha sa mga mata ko kaya natigilan siya.

"I'm sorry nagiging pabigat ako..." umiiyak na sabi ko.

"Hey..." natatarantang sabi niya. Nilapag naman niya ang tray na may pagkain sa side table. "Shush... I'm here, okay? In your progress sasamahan kita. Sasamahan ka namin... Huwag mo isipin na mag-isa ka lang, okay?"

Dahan-dahan akong tumungo. "Natatakot ako na baka isipin mo na naging tanga ako kasi... Kasi hindi ako nakinig noong una pa lang... Baka-"

"Hinding-hindi ko magagawa sa 'yo 'yon... Nirerespeto ko ang desisyon mo, Lynette... Hindi naman ibig sabihin na nag kamali ka, tanga kana kaagad. Of course not... Minsan kailangan din natin mag kamali para may makuha tayong aral. And then that's it life goes on..."

Umiyak ulit ako habang hinihimas niya ang likod ng ulo ko. Minsan kinakantahan pa niya ako para kumalma ako. Umepekto naman 'yon dahil naka tulog ulit ako.

"Saan ka pupunta?"

Kinabukasan naabutan ko pa rin si Pierre sa condo ko na mukhang kagagaling lang sa jogging. Maaga rin ako gumising ngayon dahil plano ko umuwi sa bahay para kunin na ang mga natira kong gamit don. Wala na akong plano mag pakita pa sa kanila.

"Sa mansyon," malamig na sagot ko.

"Do... Do you need help?" ma-ingat na tanong pa niya.

"Huwag na. Sasaglit lang ako," binigyan ko siya ng tipid na ngiti.

Kanina madaling araw naman kumain ako ng prutas kaya may lakas na ako ngayon na umalis. Humugot muna ako ng malalim na hininga bago ipinaandar ang sasakyan ko.

"I can do this," sabi ko sa sarili ko.

Konting minuto lang ang nilaan ko para pakalmahin ang sarili ko. Nasa tapat na ako ng mansyon pinag iisipan ko pa kung papaano ako kakayanin na huramap sa kapatid ko.

"Bakit ako ang kakabahan? Ako ba ang nangupal?" naisip ko bigla.

Dahil don wala na akong sinayang na oras kaya dumaretsyo nalang ako papasok ng mansyon. Hindi ko pa nabubuksan ang malaking pinto rinig na rinig ko na ang malakas na sigawan mula sa loob.

"Don't fucking toucher her! Ang kapal ng mukha mo! Ikaw pa ang may ganang manakit sa anak ko, huh?!" rinig ko hiyaw ni Mommy mula sa loob.

Naguguluhan man ngunit pumasok pa rin ako. Nanlaki ang mata ko ng makitang higit higit ni Daddy si Ate pababa ng hagdanan.

"Dad! Nasasaktan ako!" hiyaw ni Ate.

"Really?

You know only the Salvantes will raise our company but what did you do? You ruined our plan!"

baling ni Daddy.

"Yes!" binawi ni Ate ang braso niya sa pag kakahawak ni Daddy. "Ginawa ko 'yon para magamit ko rin si Luigim! Ginawa ko 'yon para ako naman ang tingalain niyo! Na kaya ko rin gawin ang mga ginagawa ni Lynette! Dahil palagi nalang siya ang pinapalakpakan niyo... Pero paano naman ako?" biglang umiyak si Ate.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now