26

203 3 0
                                    

"Pretty, Mommy!"

Saktong kakauwi ko lang din ng condo ng dumating sila Claudia kasama yung lola at tito niya. Hindi rin naman sila nag tagal dito dahil gagabihin rin sila ng uwi baka ma-traffic din.

"Who gave this, Mommy?" Itinaas pa niya yung necklace na ibinigay ni Luigim.

"Daddy," Pilit na ngiti ang ibinigay ko sa anak ko.

"Really?" Napatayo kaagad siya dahil sa sobrang tuwa. Tumatawang tumungo naman ako. "When I can meet him?"

"Soon, anak."

Paulit-ulit na sagot ko nalang palagi sa kaniya 'yan. Para anong sirang plaka na humahanap ng butas para lang malusutan ang ganyan tanong ng anak ko.

Pinatulog ko na si Claudia kaya sobrang tahimik na ng condo. Lumabas muna ako ng veranda para mag pahangin. Naiisip ko lang na paliit na nang paliit ang mundo ng ibinibigay sa 'min. Hindi ko rin masasabi kung kailan at hanggang saan ko pa kayang itago 'tong sikreto na 'to.

Dahil malamig ang hangin niyakap ko ang sarili ko hanang dinadama ang yakap ng sariwang hangin. Taimtim ang gabi habang ako ito. Pinag-iisipan kung tama ba ang nagiging desisyon ko.

Kinabukasan, nag text na sa 'min si Pierre na uuwi na ulit siyang Pilipinas. Kaya naman nag handa na kami para sabay-sabay namin siyang sunduin. May kulang nga lang sa 'min na isa.

"Ang bango mo naman. Anong pabango mo! Halatang mamahalin!" Ayan kaagad ang bungad ni Akisha kay Pierre pagkababa namin ng van.

Nirentahan 'yon ni Keziah para hindi kami hiwala-hiwalay kapag nag dala kami ng kaniya kaniyang sasakyan.

Habang si Yael naman tinulungan yung bodyguard ni Pierre na isakay sa likod ng van yung nga maleta niya. Hinalikan niya kami sa pisngi isa-isa habang kunwari umaakto umiiyak pa.

"I miss you all girls! God." Sabi niya pagkatapos mag punas ng luha.

"Bampira ka ba, Pierre? Halos wala man lang nag bago sa 'yo." Natatawang sabi ni Ke.

"Ganyan siguro kapag puro gulay yung kinakain. Umpisahan ko na nga rin na maging kambing," nakangusong sabi ni Akisha.

"Ugali mo yung baguhin mo," singit bigla ni Yael.

"May bata," suway ni Ke.

At ayon bigla nalang kinarga ni Pierre si Claudia sabay nilamutak ng halik. Wala naman reklamo ang anak ko dahil miss na miss na rin niya si Pierre.

"Gosh! Hindi mo na siya iiwan kapag may flight ka," nakangusong sabi ni Pierre.

Nagtatawanan muna kami bago kami nag desisyon na kumain muna sa labas. Sa akin tutuloy si Pierre at ayaw niya daw umuwi ng condo niya dahil malulungkot lang daw siya don lalo na't mag-isa lang siya.

"Mag-isa or may maalala lang?" Biro ko.

"Both!" Tapos tuwa siya.

Sabay-sabay ulit kaming bumyahe pabalik ng condo para doon maka pag-catch up. Sobrang ingay nanaman ng paligid dahil andito yung dalawa. Walang tigil ang bunganga ni Akisha tapos sinasabayan pa ni Yael.

"Hindi mo kakamustahin 'yong tita ni Claudia, Akisha?" sabay-sabay kaming nag tawanan dahil sa tanong na 'yon ni Yael. Sinamaan kaagad siya ng tingin ni Akisha.

"Ayos ayosin mo 'yang mga pinag-sasabi mo, Yael. Tatamaan ka na talaga sa akin," pag babanta ni Akisha.

"Kung iinom kayo dumaretsyo nalang kayo doon sa veranda. Oh, kaya kapag tulog nalang si Claudia. Baka makita kasi," I informed them.

Tumungo naman sila. Sabay naman na bumaba sila Akisha para bumili ng alak don sa malapit sa convience store. Kaya kami nalang tatlo ang naiwan dito sa condo.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now