11

159 3 0
                                    

"Nako, Lynette. Igaya mo naman si Luigim d'yan sa labas ng isla. Panigurado magugustuhan n'yo ang mga tanawin d'yan. May bagong gawa kasi na kalsada d'yan sa main road kaya mabilis nalang ang byahe papuntang La Abrika!"

Ang daldal ni Tita habang nag hihiw s'ya sa kusina. Napapailing nalang tuloy si Lola habang namamahinga sa sala. Pumunta na rin ako sa kaniya sa kusina para tumulong ng paghihiwa tsaka ko na pinakuluan ang buto ng baka. Balak kasi namin mag luto ng sinigang.

"Hinay-hinay naman Florentina. Pakainin mo naman muna ang mga bata bago mo ipasyal sa bayan!" sigaw ni Lola.

"Oo naman 'Nay! Hindi naman aalis 'tong mga 'to na hindi matitikman ang masarap na sinigang ko 'no. Best recipe ko yata 'to!" tuwang-tuwa sabi ni Tita.

"I can smell it na po," pambo bola naman ni Lui. "Mukhang magaling po talaga kayo mag luto. Sana ganon din po si Lynette."

"Naku! Totoo 'yan. Napaka tamad kasi n'yan bata na 'yan noong tinuturuan namin ni Nanay na mag luto noon. Tignan mo ngayon. Umaasa nalang sa mga cup noodles!"

Napailing nalang ako dahil sa pang lalaglag ng ginagawa n'ya sa 'kin ngayon. Parang hindi naman nila ako pamangkin sa ginagawa nila sa 'kin ngayon. Takot lang talaga ako na mapaso sa kawali.

"Mag hinay-hinay sa pag kain n'yan, Lynette. Baka mamaya mag ka-UTI ka nalang ng wala sa oras. Bakit? Wala ka ba kasambahay sa condo mo?" ani ni Lola. "Hayaan mo. Kakausapin ko 'yan Daddy mo."

"Ito naman si Nanay! Masyadong suportado sa mga katamaran ng apo n'ya. Kaya tignan mo rin si Lilya. Mukhang lalaki rin na walang alam sa gawain bahay!" ani ni Tita. "Paano nalang kapag nawala ako? Sino ang titingin sa kaniya? Hindi s'ya masasanay na s'ya lang ang mag-isa sa buhay n'ya!"

"Aba, bakit? Gawain ba ng isang babae na dapat ba nasa bahay lang? Ang babae dapat masipag sa pag tratrabaho hindi para sa lalaki. Kundi para sa sarili nila! Ikaw lang naman ang matigas ang ulo na mas pinili nalang na pag silbihan ang asawa mo noon. Kaya tignan mo! Iniwan ka pa rin at mas pinili ang may ayos sa sarili na babae!" pangaral naman ni Lola.

Natawa nalang ako dahil sa pag babangayan nila. Nag sorry naman kaagad ako kay Lui dahil sa mga naririnig n'ya. Masaya naman daw sa tenga. Chismoso rin kasi s'ya.

"Nanay naman! Pati ba naman 'yon bini-bring up pa. Matagal na tapos 'yon!" naiinis na sabi ni Tita. "Nasa future na tayo, oh. Naka move on na ako, eh!"

"Hindi ba totoo Florentina? Pinalaki ka namin ng tatay n'yo na parang prinsesa. Ayaw nga namin kayo pakilusin sa bahay noon dahil hindi n'yo naman responsibilidad 'yon. Dapat ako ang gumagawa. Pero noon na nagkaroon ka na ng sariling asawa. Kulang nalang pa swelduhin ka buwan buwan para maging alila ka na!"

Ang lala talaga kapag tumatanda na ano? Hindi na nag s-stick sa isang usapan. Dapat lahat ng sulok na pwedeng isingit ang nangyari sa isang buhay. Isasali kahit hindi naman relevant sa pinag-uusapan n'yo.

"Ako Florentina, noon hindi ako pinapakilos ng Tatay n'yo kapag galing ako sa pag tuturo noon tapos galing ako sa eskwelahan. Apat na katulong ang pinapa sahod n'yan para hindi sumakit ang katawan ko dahil papagurin n'ya ako gabi-gabi!"

Retiro na kasi si Lola sa pagiging teacher. Samantalang si Lolo naman. Chief ng Navy sa isang country.

"Nanay naman! Andyan si Rachel!"

"May mga inosente dito, Nay!" naki sali na rin ako. "Lui, takpan mo tenga mo! Ang babastos!"

Tumawa lang si Lui dahil sa sinabi ko. Pabiro rin naman n'ya tinakpan ang tenga n'ya. Kaagad naman tumawa si Lola dahil sa mga sinasabi n'ya. Nag uumpisa na s'ya mag kwento ng mga ginagawa nila ni Lolo noon! Hindi ko ba alam kung matutuwa ako don o ano. Nakakailang pakinggan ang mga ganon bagay na ng gagaling sa isang matanda. Parang nakikita ko na ang sarili ko kapag nag ka edad na ako!

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now