29

200 0 0
                                    

"Sir, may bisita po kayo."

Napahawak ako ng mahigpit sa dala kong paper bag. Natagpuan ko nalang ang sarili ko sa harapan ng private room ni Daddy. Buong mag damag ko 'tong pinag-isipan kung bibisita ba ako o hindi.

"S-sino?" Rinig kong boses ni Daddy.

Sinenyasan ako ng private nurse na pumasok na. Kaagad nanlaki ang mata niya ng makita kung sino ang nasa harapan niya.

Napansin ko kaagad ang pagbagsak ng katawan ni Daddy. Ang sabi sa akin kanina ng nurse niya pararisado na ang kalahating katawan niya. Naka ngiwi siya at nakabaliktot ang isang braso. Ngumiti siya ngunit hindi ko tinugunan 'yon.

"K-kamusta k-kana?" Utal-utal na tanong niya. "A-ang tagal k-kong hinintay ang pag bisita mo."

Inilapag ko ang paper bag sa gilid niya tsaka ako tumayo ng tuwid. Hindi ako makalapit sa kaniya. Kahit nga tignan siya hindi ko magawa. Ang hirap tignan ng taong sumira ng buhay niyo.

"Ito at huli kong pag bisita kaya wag mo na akong hinntayin." Mariin na sabi ko.
"Maari isipin mo na lumambot na ang puso ko sa mga oras na 'to pero nag kakamali ka."

Kinuyom ko ang kamao ko. Itinago ko 'yon sa likod ko upang hindi niya makita. Ayoko pa maging sanhi ng paglala ng sitwasyon niya. Ayoko na magkaroon pa ng dagdag pasakit sa kaniya. Siguro masasabi ko para sa sarili ko na ayos lang ako ang masaktan wag lang ako ang makasakit.

"Sinira mo ang pamilya natin..."
Bumigat ang loob ko. "Nabulag ka sa pera. Nabulag ka sa kayaman na wala na naman ngayon sa 'yo."

"Ayaw kitang pag salitan ng masasakit na salita. Pinipigilan ko na may masabi ako. Pero... para saan pa yung pinunta ko dito. Hindi naman ako andito sa harapan mo para sabihin na mahal na mahal kita. Paano ko sasabihin 'yon kung ikaw mismo ang nag mulat sa akin na hindi totoo ang pag mamahal?" I said bitterly.

"Iminulat mo ako sa mundong hindi ko naman dapat kalakihan..." Pigil na emosyon na sabi ko. "Ipinakilala mo ako sa iba't-ibang lalaki para mag invest sa negosyo mo."

"S-sorry..." He started to cry. Pero hindi ko pinansin 'yon. Walang kahit anong sakit na dumampi sa akin ng makita kung gaano naging meserable ang buhay niya.

"Ipinaramdam mo sa akin na... baba-baba 'ko. Dahil don hanggang ngayon ayon pa rin ang tingin ko sa sarili ko, e. Wala akong kwenta. Na may presyo ako." Napatakip ako ng bibig ko at nagpakawala ng hikbi.

"Pero ngayon..." Umangat ang tingin ko, hindi pa rin makatingin sa kaniya. "Ngayon may dalawang tao na nag paramdam sa akin kung ano ba talaga ang pagmamahal." I smiled to myself.

"Yung kayang ipakita sa 'yo ang halaga mo. Yung kayang iparamdam sa 'yo na hindi ka mababa. Ayon ang asawa't anak ko..." Napangiti ako ng maalala ko sila.

"A-asan sila... gusto ko s-silang makita..." Umayos pa siya ng pagkakahiga. Tumingin ako sa kaniya kaya napatingil siya.

"Hindi ko sila sinama." I cutted him off.
"Ayokong ipakilala sa 'yo ang anak ko. Kahit isaksak ko sa kokote ko na lolo pa rin siya ng anak ko hindi. Hindi ko talaga siyang kaya iharap sa 'yo. Sana... sana kahit don man lang respetuhin mo ang desisyon ko." Sabi ko.

"Tinurong mo ako noon na parang prinsesa, oo. Bakit? Kasi may pera kapag may panibago akong lalaki na susubukan paamuhin na parang pusa para lang ilapit sa 'yo, 'di ba?" Sabi ko. "Pero wag ka mag-alala... Na sabi ko na ang gusto kong sabihin."

"Sinabi ko lang 'to para alam mo na wala na akong sama ng loob sa 'yo. Para kapag namahinga ka na. Hindi ako yung huli mong iisipin. Ang isipin mo ang kasamaan at kababuyan na ginawa mo dito habang nabubuhay ka pa." Inayos ko na ang sarili ko.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now