03

287 4 0
                                    

"Sealt belt please,"

Suminghal ako bago suotin ang sealtbelt, inayos ko ang dress na tumaas sa hita ko. Nakita ko naman na napatingin doon si Luigim, napailing ako. Binasa n'ya ang ibabang labi n'ya bagi humugot ng malalim na hininga.

"Bakit?" tanong ko sa kaniya.

Natawa ako nang mahina na inilingan lang n'ya ako, nag patugtog nalang ako ng some, RNB music. Naka kunot ang noo n'ya ng mag patugtog ko ng hindi n'ya alam na mga kanta. I mouthed a lyrics, hind siya makasabay!

"Nakaka-offend naman, hindi kilala si queen Denise Julia," tumatawang sabi ko naman sa kaniya.

Pinupukpok nalang n'ya ng daliri ang manibela sinasabayan nalang ang beat sa kanta. Tumingin nalang ako sa labas ng binta, madalim na rin at pa madaling araw na medyo malamig na rin gawa ng hangin. Niyakap ko ang dalawa braso ko upang hindi lamigin. Mukhang napasin 'yon ni Luigim, may kinuha naman s'ya mula sa likod ng sasakyan n'ya.

"Wear this," hindi na ako nagulat ng inabot n'ya sa akin ang hoodie. Kinuha ko naman sa kaniya 'yon, tinanggal ko muna ang sealt belt upang masuot 'yon nang maayos.

"Thanks," maikling sabi ko.

Buong byahe nasa labas lang ng bintana ang paningin ko, hindi ko alam kung saan kami tutungo. Nag-scroll nalang ako sa Instagram, nakita ko naman ang story ni Keziah, sumasayaw sila sa dance floor habang may hawak na alak, naka taas ang camera habang hawak 'yon ni Pierre, tumawa ako nang mahina ng makita ang caption niya 'missing in action nanaman ang prenny kong malandi @miss.lynetteezalde' Naramdaman ko naman ang pag tapon ng tingin sa akin ni Luigim.

"Who's that?" tanong n'ya. "Your boyfriend?" seryosong tanong n'ya.

"Ha?!" medyo nagulat pa ako sa tanong n'ya, ah! "Hindi ako nag bo-boyfriend," natatawang sabi ko. "Pass muna sa relationship na 'yan."

"Ow," mukhang nagulat pa s'ya dahil sa sinabi ko. "Wala ka pa nagiging boyfriend back then?" tanong niya sa akin.

"Wala, pero marami na ang kumama sa akin," diretsyang sabi ko. Kahit kailan hindi ko pa nagawa pumasok sa isang relasyon, wala naman sa akin 'yon dahil lahat ng nakaka meet ko na lalaki 'yon lang naman ang habol sa akin. Nasanay nalang din siguro ako, tsaka hindi na rin naman ako naniniwala d'yan sa pag-ibig na 'yan.

Lumaki ako sa house holds na hindi ko naramdaman ang pag mamahal, fix marriage lang ang mga magulang ko dahil pinag kasundo sila ng mga magulang nila pareho business man, hindi ko na naman nakilala ang lolo ko dahil masyado na raw 'tong matanda kaya hindi na rin namin nabutan ni ate. Ever since, hindi ko nakita kung ano ba ang pag mamahal. Kahit kailan hindi ko naramdaman kung ano 'yon, sila Mommy busy sa pag tatakbo ng company, ganoon din si Daddy. Bata pa lang ako natuto na ako tumayo sa sarili ko, ako na mismo ang nag aasikaso sa sarili ko papasok ng school, kaya ngayon, dala-dala ko 'yon pag tungtong ko ng college.

"No," bumalik ako sa reyalidad ng mag salita s'ya. "Don't harsh to yourself. Makaka kita ka rin naman siguro ng taong mamahalin ka ng lubos, 'yung hindi ka huhusgan kung ano ka bilang ngayon." seryosong sabi niya.

"Hindi na rin naman ako umaasa, eh," tumatawang sabi ko.

Ayoko na, hindi na rin naman ako umaasa na makaka kita pa ako ng isang lalaki mag mamahal ng lubos sa akin. Kung meron man, siguro sasabihin lang nila 'yon sa una bago ako makuha. Kapag nakuha na nila ang gusto nila, iiwan din ako. Noon, masakit, oo. Palagi ko tinatanong ang sarili ko na hanggang dito nalang ba ako? Hanggang kama nalang ba ako? Pero unting-unti ko rin na-aaceppt sa sarili ko na, baka nga. Hanggang dito nalang ako. Tsaka okay lang naman naman sa akin, 'di ba? Wala naman kasyo sa 'kin, 'yan.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now