"Ayan na pala ang hinihintay natin. Tara na!"
Gusto ko magpakain ngayon sa lupa dahil sa kahihiyan. Ako nalang ang hinihintay ng lahat para makaalis na. Ilan minuto ko kaya sila pinag hintay dito sa loob ng immigration? Nakakahiya!
"Capt tara na po," sabi ng Co-pilot na si Dan.
"Next time mag sabi ka kung mala-late ka. Hindi yung pinag hihintay mo ang mga katrabaho mo. Hindi lang para sa kaniya 'to kung hindi para sa inyo na rin. Be professional."
Mas lalo gusto ko magpakain sa lula dahil sa sinabi niya. Bigla tuloy nabalot ng nakakakilabot na katahimikan ang paligid.
"Luh. Bakit naman bad mood 'yon? Five minutes lang naman late si Lynette." Tinignan ko tuloy ng masama si Hazel. Mamaya bigla nalang siya marinig ni Luigim!
"Baka naman kasi masama yung gising. Hayaan mo na. Mali ko rin naman. Mag so-sorry nalang ako mamaya. Ako nalang din ang mag dadala ng pagkain nila sa cockpit," pag priprisinta ko.
Mukhang hindi sang-ayon sa plano ko si Kris dahil nga sa pamamahiya sa akin kanina ni Luigim. Wala naman sa akin 'yon. Siguro ginawa lang talaga ni Luigim ang trabaho niya para pag sabihan ako.
Kasalanan ko pa na iyak nang iyak ang anak mo kanina bago ako umalis. Letse ka.
Kung naririnig niya lang ang iniisip ko paniguradong alam na niya sa mga oras na 'to na may anak kami. Umiiyak si Claudia kanina kaya nahirapan akong iwanan siya sa office ni Akisha.
"Your captain speaking on behalf of Greenish Skies International Airport. First officer Luigim Salvantes of your airbus 319 crew. We'd like to welcome you abroad this flight ZA 201 bound for Taiwan." Boses ni Luigim.
"For you flight information our flying time is approximately 3 hours. The weahter route is reportedly to be partly cloudy and bumpy. For you safety keep sealtbelts fastened whenever you are seated." Dagdag pa niya.
"Sobrang pogi talaga ng boses ni Capt, 'no?" malanding sabi ni Hazel. "Ikaw Lynette? Type mo ba si Capt. 'Di ba ganyan yung mga type mo noon?"
"Dati 'yon," Totoo naman. Type ko siya dati.
"Eh, ngayon?" lumapit pa siya sa akin para usisain ako.
"Ano ba klasing tanong 'yan?" iritableng sabi ko sa kaniya.
"Di ba may baby na si Miss, Ezalde. Bakit niyo pa tinatanong ng ganyan. Mamaya mag selos pa ang asawa niyan. Konting respeto naman sana. Porket malayo kayo sa mga mahal niyo sa buhay haharot na kaagad kayo," biglang sabi ni Lash. Kasamahan din namin na flight attendant. Ngayon lang ulit namin siya nakasama sa flight dahil may sakit yung pumalit sa kaniya.
"Paepal naman 'to," barumbadong bulong ni Hazel.
"Tama na 'yan," sabi ko.
Tumigil lang sila ng biglang dumaan si Purser Esther. Masungit na matandang flight attendant 'to kaya hindi sila pwedeng mag biro nalang basta basta kapag andyan siya sa tabi tabi. Tiklop tuloy ang bunganga ni Hazel.
"Miss, Ezalde." Napatigil ako sa paglalagay ng tubig sa trolly ng tawagin niya ako.
"Yes po?" nakangiting sabi ko sa kaniya.
"Gusto mo ikaw ang mag lead ng safety breifing?"
Napa ayos kaagad ako dahil sa biglang offer niya. Biglang isang flight attendant ito ang isa sa gusto ko na ginagawa. Yung pakiramdam mo na pinapanood ka ng lahat ng pasahero.
Nag salita na muli si Luigim. Isang sensyales na pumunta ako sa harapan. Humugot muli ako ng malalim na hininga bago humarap sa ilan pasahero. Nabawasan ang kabang nararamdaman ko noong nakita ko ang iba na abala sa ginagawa nila.
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...