"What are your plans for your birthday this week?"
Salo-salo kami ngayon nila Daddy't Mommy. Wala pa si Ate, hindi pa nakakauwi pero nag uumpisa na kaming kumain kahit ayaw ko. Pero wala pa rin akong magagawa.
"I have already booked a hotel. All my business partners are there so dress nicely, as always," wala pa rin emosyon ani niya. "Even the Salvantes."
Pagkasabi niya n'on kaagad dumapo ang tingin sa 'kin. Alam ko naman ang gusto niya iparating.
"Yes, Dad." As I always did.
Bumukas na ang pinto at may mga ingay na naririnig sa sala kaya hindi na ako nagulat ng bigla nalang dumating si Ate. Tinaasan niya lang ako ng isang kilay at patago akong siniringan.
"Advance Happy Birthday, Daddy."
Sabi ni Ate tsaka lumapit kay Daddy para bumeso. Masyado naman yata siya dumidikit ngayon sa mga magulang namin. Nakangiti naman siya bumalik sa pwesto niya tsaka pinag hain ng mga kasambahay.
"How's you grades?" si Daddy.
"All good, Dad." Tumutungo sagot ni Ate.
Binilisan ko nalang ang pag kain ko dahil hindi ko na nagugustuhan ang atmosphere kapag andito siya. Gusto ko man maki pag kamustahan sa mga magulang ko pero alam ko babarahin niya lang ako. Nag paalam nalang ako sa mga magulang ko tsaka umakyat nalang ng kwarto para maka pag pahinga.
Kakagaling ko lang sa school pero dito na ako dumaretsyo para pag-usapan ang plano para sa birthday ni Daddy. Nag dadalawang isip pa nga ako kung sasama ako o hindi. Nakaka walang gana.
From Lui:
Where are youuuuu?
Tumungo ang cellphone ko kaya dumungaw ako don. Nakita ko kaagad ang text niya sa 'kin.
To Lui:
bahay. bakit?
From Lui:
Dito ka sleep?
Bumuntong hininga nalang ako tsaka nag replied ng 'okay.' Ayoko dito matulog. Lalo na alam ko hindi rin naman ako makakalabas ng kwarto dahil iiwasan ko lang si ate kapag mag kakasalubong kami. Mag iiwasan lang kami dalawa.
"Are you leaving?" napatayo kaagad si Mommy ng makita akong pababa sa hagdan.
Higit higit ko na ang mga maleta ko. Andon na rin ang ibang damit ko. Konti nalang naman ang natirang damit ko dito sa mansyon. Ang iba na nga don mga hindi ko na nagagamit.
"Yes, Mommy. Maaga pa ang pasok ko bukas. Wala kayong schedule ngayon? Yung mga gamot mo? Iniinom mo ba?" I asked.
"Yes, dear. Yung allowance mo? Kulang ba? Napag kakasya mo ba? Just tell me. Sasabihin ko kaagad sa Daddy mo," she smiled.
Tumungo ako tsaka bumeso sa kaniya para maka pag paalam na. May pasok pa ako bukas pero sa condo ako ni Lui matutulog ngayon. Mag iisang linggo na rin bago kami mag kita ngayon. Perehong busy.
"Hey!"
Napangiwi ako ng marinig ang mataas na boses niya pag kabukas ng pinto. Sobrang energetic naman nito.
"Bakit ganyan ka?" tanong ko tsaka pumasok sa loob.
Tinulungan naman niya ako na higitin ang maleta ko papasok. "What do you mean na ganito ako? Ganito naman talaga ako."
Napailing ako. "Daming sinabi."
Narinig ko pa ang mahinang tawa niya. Umupo nalang ako sa couch tsaka isinandal ang sarili ko at inilahad ang ulo sa may sandalan.
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...