07

170 5 0
                                    

"Ipakilala mo naman ako sa iba influencer na kilala mo."

Sabi ko kay Lui habang naka dapa sa couch sa sala ng condo n'ya. We had a quick sex sa kama n'ya kaya gabi na ng magising kami.

"Hindi ko naman masyado close ang mga iyan," sabi niya, kaya umupo ako nang maayos.

Nakatalikod siya sa akin ngayon habang nag lu-luto dito sa condo niya, tinotoo nga n'ya ang sinabi niya na babawi nga s'ya sa akin after what happened last month. Tapos na rin ang Mid-term namin at nairaos naman.

"Eh, ano lang?" i asked. "Halos mga sikat 'tong mga nasa followers and following mo," sabi ko at patuloy pa rin sa pag s-scroll.

Nakita ko pa yung last time na nanalo ng Miss LPU sa followers n'ya, hindi rin naman niya fina-follow back though.

Suplado kasi kaya wala pa siguro jowa hanggang ngayon!

"Don't mind them," sabi niya, pag lapit. "Let's eat."

Tumungo nalang ako at pumunta sa kusina, nakahain na don ang kalderetang niluto n'ya. Grabe naman! Ano pa kaya ang mga bagay na hindi niya kaya gawin?

Nag sandok na rin s'ya sa malaking bowl, andon na rin ang dalawang plato. Hinila ko naman ang upuan upang maka upo, hinintay ko naman s'ya na makaupo dahil nag tanggal pa s'ya ng apron at nilagay 'yon sa island counter.

"Anong lasa?" he asked, umupo naman s'ya sa tapat ko at pinag masdan ang reaksyon ko habang nginu-nguya ang pagkain.

Nilasahan ko naman kaagad ang niluto niya. It was fucking good. Ito na yata ang masarap na kaldereta na natikman ko. I swear to god.

"Pwede na," pag bibiro ko.

Nakita ko naman na nalungkot kaagad siya dahil sa sinabi ko kaya tumawa ako nang malakas. Kumunot naman ang mukha n'ya habang pinag mamasdan ako na parang baliw na tumatawa sa harapan n'ya.

"I'm just kidding," sabi ko, humupa tawa. "Masarap promise," i assured him. "Kasing sarap mo," mas lalo pa ako tumawa ng siniringan niya ako.

"Arte, sis," natatawang sabi ko.

"Baka gutom ka lang," pang loloko naman n'ya.

Katulad noon, ako lang din ang nag hugas ng pinagkainan namin dalawa. Hindi pa nga s'ya pumapayag ng una ngunit wala rin naman nagawa dahil tinabig ko nanaman ang baywang niya.

"Do you want to come with me?" tanong n'ya.

Lumingon naman ako sa kaniya habang nag huhugas ng plato, tinignan ko naman ang sarili ko. Naka unifrom pa ako dahil kaka galing ko lang sa school, malamang. Tinapos ko naman ang ginagawa ko.

"Saan?" tanong ko, pag tapos.

"Grocery, d'yan lang sa baba," sabi niya.

"Ganito lang ako suot ko?"

"What's wrong?" pinasadahan n'ya ako ng tingin "Wala naman nag bago, you're still beatiful," he smirked.

Sige na nga! Tumungo nalang ako dahil sa pambo-bola niya, pakiramdam ko uminit ang pisngi ko don, ah. Ganon pala 'yon? Nag re-touch nalang ako, ida-daan ko nalang sa ganda 'to.

Nakita ko naman sa gilid ng mata ko na sumunod s'ya sa kwarto, sinandal n'ya ang sarili sa kanto ng pinto habang mag ka krus ang dalawang braso. Sabay tawa ng makita kung ano ang ginagawa ko.

"Nag re-touch pa nga," he said.

"Epal, Dun ka nga!" inis na sabi ko.

"Epal, Dun ka nga!" he mocked me.

Inirapan ko nalang siya. Pag tapos, lumabas na rin ako sa kwarto niya. May inabit naman siya sa akin na hoodie, kaagad ko naman na sinuot 'yon.

"Thanks," maikling sabi ko sa kaniya.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now