10

191 4 0
                                    

"Kinikilig ka na dahil don?"

Bwisit ko tinignan si Lui habang nag mamaneho s'ya. Kanina pa n'ya ako inaasar sa pag-react ko na sinabihan n'ya ako ng miss n'ya raw ako.

As a friend!

"Lelang mo!" iritableng sigaw ko pabalik.

Hindi ko nalang pinansin ang mahina n'ya pag tawag. Kung papadala lang ako sa inis ko baka hindi ko matansya ang isa 'to. Baka bigla nalang s'ya malaglag sa mismong kotse n'ya.

"What is your plan tommorow?" tanong n'ya.

"Wala naman. Weekend din bukas. Baka mag pahinga lang ako sa condo. Ikaw ba?"

"Hmm," nag isip pa s'ya. "Bibisitahin lang namin yung renovation sa palawan. May gumuho kasi."

Mukha s'ya na s-stress na ngayon ng maalala ang problema ng pamilya nila. Wala naman s'ya nabanggit sa 'kin, ngayon lang.

"I see," tangi sabi ko lang.

Tumahimik nalang ako buong byahe namin. Wala pa akong tama ng alak kaya naman hindi ako nakakaramdam ng kahit anong hilo o ano. Pagkarating namin sa building. Nag park lang s'ya. Hinatid pa n'ya ako sa tapat ng unit ko.

"I'll text you. Kapag maluwag na ang schedule ko, kita tayo."

Hindi naman aya 'yon. Parang wala na akong magagawa kung hindi ako pumayag. Tumungo nalang ako pag ka sabi n'ya, kaagad naman kumalabog nanaman ang dibdib ko ng tapunan n'ya ako ng isang magandang ngiti. Pakiramdam ko lalabas na ang puso ko ng makita ang maputi at pantay-pantay n'ya ngipin.

"Okay!"

Sumandal kaagad ako sa likod ng pinto pag pasok. Hinawakan ko pa ang dibdib ko ng bumilis nang bumilis ang tibok nito.

"Shit. Kailan pa ako nakaramdam ng pag bilis ng tibok ng puso ko, huh? Hindi naman ako... inlove 'di ba?!"

Tinitulog ko nalang ang pag-iisip ko. Pag gising ko, nakita ko kaagad ang text ng Daddy. Binabasa ko naman ito gamit ang isa mata dahil inaantok pa nga ako.

Daddy:

Mansion. 8PM.

That's it. Wala man lang kamusta ka na? Kumain ka na? Bakit pa ba ako mag e-expect ng ganon galing sa magulang ko. Pity you Lynette you grew up in toxic household.

I'll texted him back 'okay'. I'm just having my breakfast when I got texted from Pierre. Anong problema naman nitong babaita na 'to?

@pierreelaine: you free today, love?

Napa tawa naman ako ng mahina dahil pagiging clingy nanaman n'ya. Pumayag naman ako since wala rin naman akong gagawin. Wala rin naman si Lui at nasa palawan nga siya gaya ng sinabi n'ya kagabi.

riley.lui: Immigration ;)

Napailing nalang ako tsaka naligo. Tinext ako ni Pierre kung anong oras at kung saan kami mag kikita. Mabuti nalang at marami pa akong time mag ayos. I just straighted my hair. Para naman mas mag mukha mahaba. I planning to cut it today since mall naman ang pupuntahan namin ni Pierre. Gusto ko rin mag shopping. Naka plano na lahat 'yon sa utak ko!

"Hi, Love!"

Kaagad s'ya tumakbo papunta sa pwesto ko ng makita n'ya ako. Natawa pa ako dahil sa suot n'ys pino floral dress. Tangina blooming ang isang 'to, ah.

"Really, Pierre? Floral dress? Ano pa soft girl nalang kay Jules ganon?" I teased. Alam ko kasi may nakakalandian 'to.

Pabiro naman n'ya hinampas ang balikat ko sabay mahinang tumawa. "No!"

"Nasan na yung 'mas pipiliin ko pa na gumamit ng sex toy kasya naman matikman ang tite non?' Tangina kailan mo pa kinakain ang mga sinasabi mo!"

"Lynette!" suway n'ya sa 'kin dahil sa ingay ng bunganga ko. "Lower your voice, goddamn!"

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now