25

287 5 0
                                    

"Welcome to Manila."

Tumayo na 'ko para tulungan na ang mga pasahero na ibaba sa compartment ang mga gamit nila. Andon na rin sila Kris at Hazel.

Dalawang araw din ang tinagal namin sa Taiwan at umalis na rin ang bagyo dito sa Pilipinas. Noong araw na 'yon hindi ko alam kung paano pakikisamahan si Luigim. Pare-pareho na namin nasasaktan ang isa't-isa.

"Ang tahimik naman ng lola ko," Hazel joked.

Ngumiti lang ako tsaka ako pumunta sa harapan para ngitian ang mga pasahero. May isang bata pa nga na umiiyak dahil akala niya naiwanan siya ng mommy niya peri nag banyo lang pala. Naalala ko namaman tuloy si Claudia. Almost one week din kani hindi nag kita. Para tuloy akong masisiraan ng bait.

"Lunch! Lunch!" Maingay na sabi no Hazel ng makarating kami sa headquarters.

"Hindi na. Mauuna na 'ko," sabi ko sa kanila.

"Oo nga. May na mi-miss na 'yan si Lynette," makahuluhan na sabi ni Kris. Tumungo naman ako bilang pang sang-ayon.

"Ay oo nga pala. Sige, ikamusta mo nalang kami. Miss na rin namin kamo siya!" Hazel giggled.

Sinabi ko nalang na bumisita nalang sila sa condo. Wala kaming flight for four days kaya naman susulitin ko na 'to para makasama ulit siya. Hila-hila ko na ang bagahe ko habang nag lalakad papuntang parking lot dahil doon ko iniwan yung kotse ko.

"Let me help you," Luigim's insisted.

Dalawa ang dala kong bagahe. Halos ang isang maleta doon puro pasalubong para sa mga kaibigan ko. May mga nakikita din kasi ako doon na mga laruan.

"Thank you," I smiled.

"Can I get your number?" biglang sabi niya kaya nag taka ako. "Uhm... In case of emergency."

Emergency saan? Gusto ko pa sana siyang tanongin tungkol doon pero nag mamadali na rin ako. Kaya binigay ko nalang din yung number ko.

"Take care," He said.

"Ikaw rin."

Nauna na akong pumasok sa loob ng kotse ko. Ibinaba naman niya yung salamin ng sasakyan niya tsaka ako kinawayan. Tsaka ako nag drive paalis.

"Asan siya?" tanong ko pagkapasok sa loob ng condo.

"Andon, nanonood." Ke said.

Tinulungan ako ni Ke na hilahin ang maleta ko papasok sa loob. Nakita ko na kaagad si Claudia na nanonood doon sa may sala ng cartoons.

"Hi, baby..." Mahinahon na sabi ko.

Pero hindi niya ako pinansin. Kaagad siyang lumipat ng pwesto para hindi niya ako maka tabi. Nagulat ako dahil sa inaakto niya.

"Nagtatampo," Ke mouthed.

Napabungtong hininga ako don. Kahit pagod isinantabi ko muna 'yon para mahinahon na kausapin ang anak ko. Ilan araw ko siyang hindi nakasama. Tapos nag iwan pa ako na pangako na dalawang araw lang makakasama ko na ulit siya. Naninibago ulit siguro sa routine namin dalawa.

"Why nagtatampo ang bebe ko?" Nakangting sabi ko tsaka umupo sa tabi niya.

"You promised..." Sabi niya. Hindi pa rin niya ako nililingon pero halata na sa boses niya na gusto na niyang umiyak.

"Anak..." Mahinahon kong sinuklay ang buhok niya gamit ang kamay ko. Kailangan ko pa siyang luhuran dahil mas maliit siya.

"Mommy you promised... just two todays..." Then, she cry. "You said you'll be back in just two days."

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now