24

286 4 0
                                    

"Cancel ang flight natin pabalik ng Manila."

Ayon kaagad ang sinabi ni Purser Esther pabalik namin ng hotel. Pare-pareho kami ng naging reaction dahil don. Mukhang binabagyo na kasi ang Maynila. Kaagad naman akong nag text kila Keziah.

To Keziah:

Ayos lang ba kayo dyan? Kamusta ang panahon dyan.

Mga ilan minuto pa ang tinagal ng pag reply ni Ke kaya napailing nalang ako. Wala na akong nagawa kaya umakyat nalang ako ng kwarto para maka pagpahinga na.

From Keziah:

Sorry late reply kakauwi lang namin ni Claudia. Andito kami ngayon sa condo mo. Ang lakas din ng ulan dito. Ikaw kamusta ka dyan? Wag ka muna mag lalabas ng hotel niyo baka mag kasakit ka pa.

Nakahinga naman ako ng maluwag dahil don. Wala pa kasiguraduhan kung kailan kami pwedeng makauwi ng Maynila. Buong hapon tuloy hindi ako lumabas ng kwarto ko dahil sa pag-aalala. Gusto ko na umuwi.

Napabaluktos nalang ako sa pagkakahiga ng biglang may kumatok sa pinto. Wala naman akong ayos ng buksan ko 'yon. Pagkabukas ko, bumungad sa akin si Luigim na naka pamulsa.

"May kailangan ka ba?" Prenteng tanong mo sa kaniya. Nakaawang lang ang pinto, walang balak na papasukin siya sa loob.

"Hindi ka rin daw nag umagahan kanina. Pinipilit ka nila Kris at Hazel na kumain pero hindi ka pa kumakain. May problema ba?"

Umiling ako. "Personal life lang, Cap."

Narinig ko pa ang mahinang ngisi niya. Kumunot ang noo ko kaya nawala kaagad 'yon.

"Cap again? Come on. Bumaba na tayo para makakain ka na. Hindi naman din mag uumpisa kumain sila Hazel. Kaya kapag nahimatay daw siya sa gutom sa 'yo raw niya isisi," pananakot pa niya sa akin.

Nakakainis! Pwes mamatay ka sa gutom, Hazel. Pero syempre hindi naman ganon kasama ang ugali ko bilang isang kaibigan kaya napaisip nalang ako.

"Susunod ako," sabi ko bago isara ang pinto.

Wala nga akong gana kumain tapos pipilitin mo yung tao. Ang tangi inaalala ko lang ngayon si Claudia. Kakagaling lang niya sa sakit gawa ng pabago-bago na panahon. Nakakatakot lang kasi baka bumalik nanaman.

"Ayan na siya!" Tuwang-tuwa si Hazel ng makita ako.

"Susubuin ba kita?" Iritableng sabi ko sa kaniya pagkaupo ko sa harapan niya.

"Maayos ba ang pakiramdam mo, Lynette? Gusto mo mag palit muna kami ni Lash ng kwarto para matigna tignan kita kahit papaano." Nagulat pa ako bigla sa sinabi ni Purser Esther.

"Okay lang po ako. May inaalala lang po ako sa Pilipinas," sabi ko nalang.

Mabuti nalang at hindi madaldal ngayon si Hazel dahil kumakain na siya. Napaangat ako ng tingin ng maramdaman ko ang titig sa akin ni Luigim.

"Everything will be alright," he mouthed.

Gumaan ang pakiramdam ko dahil sa pampalubag loob na sinabi niya sa akin. Kung pwede lang na lumipad na bukas gagawin ko na.

"Kapag gumaan na ang klima sa pilipinas. Ako na kaagad ang kakausap sa headquarters para maka balik na tayo kaagad. Alam kong hindi niyo maiiwasan na mag alala sa mga mahal niyo sa buhay. Kahit ako, gumagawa na ako ng aksyon," Nakangiting sabi ni Purser Esther.

"Itong si Hazel ayaw man lang kamustahin yung pamilya niya don. Wala talagang puso 'tong babae na 'to." Turo ni Kris.

"Ang kapal. Mas inuna mo pa nga padalhan ng pera yung boyfriend mo kaysa sa pamilya mo sa pilipinas," pabalik ni Hazel.

Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)Where stories live. Discover now