"Hurry up!"
Inis ako bumaling sa mga kaibigan ko dahil ang babagal kumilos, nag babangayan pa sila Akisha at Yael habang nag lalakad. Sinasaway naman sila ni Avi.
"Oo na, Mama Avi," nang-aasar na sabi ni Akisha.
Napailing nalang si Avi dahil sa mga ingay ng mga kaibigan ko habang papunta sa parking lot. Week days naman ngayon kaya wala kami pasok kinabukasan, ilan linggo na rin kasi at hindi na kami nag kikita-kita.
"Ang malasing ngayon s'ya manlilibre next week, ah!" pag babanta ni Keziah na akala mo hindi malalasing ngayon gabi.
"Kung maka pag salita akala mo sobrang lakas sa inuman," umiiling na sabi ni Yael.
"Manahimik ka nga Yael Leviste," dinuro siya ni Keziah.
Ganoon nanaman ang nangyari dahil napunta nanaman sa akin ang maiingay ko kaibigan. Malapit lang naman kami sa Dapitan ang bar na pupuntahan namin. Pagpasok, kaagad kami nag hanap ng table, um-order na si Pierre ng alak dahil libre n'ya raw.
"Kamusta kayo ni Liam?" tanong ko kay Avi, nagulat pa siya ng itanong ko 'yon, dahan-dahan naman siya tumungo.
"O-okay naman," mahinang sabi n'ya. "Masyado lang talaga siya busy sa pag sho-shoot ngayon kaya hindi masyado nakaka sama," ani niya.
Tumungo naman ako, for sure, naman na susunod 'yon lalaki 'yon. Nilibot ko naman ang paningin ko habang umiinom, muntik ko pa maibuga ang iniinom ko ng makita si Lui sa kabilang table.
"Ah," mahinang sabi ko.
Para may kurot sa dibdib ko ng makita andon si Roxanne habang nakiki pag-usap sa mga pinsan ni Lui, nasa dulo ng couch si Lui habang napapag gitnaan naman nila ni Xavier si Roxanne. Mukhang close na close sila, ah.
Mapait ako tumawa at nag salin nalang nang nag salin ng alak sa baso ko, tangina, ano ba ang nangyayari sa 'kin?
"Hinay-hinay baka ikaw ang manlibre next week," natatawang sabi ni Yael.
Hindi ko naman siya pinansin at patuloy pa rin sa pag lagok ng alak. Wala ako nararamdaman pait, mas mapait pa yata ang nararamdaman ko ngayon, eh.
"Ulol kailan ako nalasing," balik na sabi ko kay Yael.
"Oh, may suspecious person," umangat ang tingin namin kay Liam ng ituro siya ni Akisha. "Pakitawagan ang security please."
Natawa ako dahil naka cap at facemask pa siya pag dating, mas okay na rin 'to para na rin sa safety niya at ni Avi. Ganoon ba talaga kapag nasa industriya? Kailangan maingat ang mga galaw mo?
"Pre, dito ka nalang," tinapik ni Yael ang tabi niya ng makita tatabi si Liam kay Avi. "Gago ka talaga," hinigit naman kaagad ni Yael si Liam ng wala siya pakialam na umupo sa tabi ni Avi.
"Gusto ko katabi si Avi!" pag mamaktol ni Liam.
"Marga dito ka nalang," sabi ko para wala magawa si Liam.
Lumapit naman sa pwesto ko si Avi kaya napanguso nalang si Liam ng tinignan ko, sinamaan ko pa siya ng tingin kaya wala na siyang naging reklamo.
"Order lang ako tubig natin," tumayo si Keziah papuntang counter, ngunit hindi pa siya nakakalayo ng makita si Aries bumalik kaagad siya sa inuupuan niya. "Ikaw nalang pala Akisha," sabi niya sa kabigan namin.
Anong nangyayari sa kanila? Kumunot ang noo ko ng makita kung ano ang nangyayari sa kanila, alam ko na kaagad! Ngumisi ako at sumimsim ng alak sa baso ko.
"Ano 'yon, Ke?" tanong ko habang umiinom, umangat naman ang tingin sa akin ni Keziah. "Jowa mo si Aries?" hindi ko napigilan ang pag tatanong.
"Hindi gago!" denied niya kaagad. "Pass sa puro mix signals," umiiling na sabi niya kaya napangisi ako.
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...