"Claudia... come here!"
Pagkapasok ko pa lang ng shop nakita kong inabot ni Luigim ang maliit na eroplano sa anak ko. Nangilid kaagad ang luha sa mga mata ko ng makita kung gaano titigan ni Luigim si Claudia.
"Do you like airplanes?" I heared Luigim's asked.
"Yes! My Mommy tells me that my Daddy is a pilot."
Nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makagalaw habang nasa may entrance ako ng shop. Tila'y pinako ang dalawang paa ko sa sahig. Takot na takot akong lumapit.
"R-really... you're so cute..." Pigil na emosyon na sabi ni Luigim.
Humugot ako ng malalim na hininga bago nag lakad palapit sa kanilang dalawa. Napahugot ko ng hininga ng makita ko madiin ang tingin sa akin ni Luigim.
"Mommy! Look airplane!"
"W-wow... okay. Lets buy it, okay?
Tara na. Naghihintay na sa atin si Tita Pierre sa labas.""Mommy, wait!"
Tatakbo na sana siya ng hawakan ko ang kamay niya. Ngunit bigla nalang naputol ang kwintas niya kaya nahulog 'yon sa sahig. Kukunin ko na sana 'yon ng maunahan ako ni Luigim.
"Hey! Don't touch this. My Daddy gave it to me."
Hinawakan ko ulit sa pulsuhan si Claudia. Wala na akong pakialam kung ibalik pa niya sa akin yung kwintas. Kahit si Luigim, hindi na rin makagalaw kung na saan siya nakatayo.
"Y-your Daddy gave it t-to you?"
Utal-utal na tanong ni Luigim."Yes..." Nahihiyang sabi ni Claudia.
"Come on, anak. Tara na." Madiin na sabi ko.
"Do you know my dad?" Inosenteng tanong niya.
Hindi na ako makahinga... Gustong-gusto ko na siya hilahin para makaalis kami pero nanatili pa siyang nasa harapan ni Luigim.
"You look like my Dad."
"No he's not. Tara na, Claudia." Hinila ko na siya.
"Do I?"
Kinuha ko yung eroplano para ibalik 'yon sa shelf. Pero pilit pa rin na kinukuha ni Claudia at inaabot 'yon.
"Mommy please..." She pouted.
"Anak..." I gave up. "Wag na matigas ang ulo. Tara na."
"Oh my-" Lalapit na sana si Pierre sa 'min ng makita kung sino ang nasa harapan namin. "Uhm, hi?"
"We need to talk." Igting ang panga na sabi ni Luigim.
"Tita!" Claudia ran to Pierre.
"Wala tayo dapat pag-usapan," mariin na sabi ko sa kaniya.
"Madami."
Iniwan ko na siya sa likod ko. Lumabas na kami ni Claudia at pumuntang parking lot. Wala pa rin akong imik.
"Okay lang ba kayo?" Pierre asked. "I'm sorry. Hindi ko intensyon na madamay kayo kanina."
"O-okay lang, Pierre." I sighed.
Hindi naman 'yon ang pinoproblema ko. Napamasahe nalang ako sa sentido tsaka napasandal sa sandalan ng upuan. Ang hirap nito.
Napagdudugtong na ni Luigim lahat dahil lang sa isang pag kikita nila ng anak namin. Maitatago ko pa ba 'to?
Nag hahanap ako ng solusyon para sabihin 'to kay Luigim pero yung tadhana na yung gumawa ng paraa... tatakbuhan ko pa ba?
Ganito ba ang ituturo ko sa anak ko? Ang takbuhan ang problema at katakutan na harapin 'to. Hindi... ayoko mangyar 'yon.
YOU ARE READING
Dark Greenish Skies (Pentalogy Series #1)
RomancePentalogy Series #1 Lynette Ezalde from LPU tourism, the company that her parents bequeathed to her is now going bankrupt. She can't think of anything else, to save their business she need to sexcapades with Luigim Salvantes Pilot Engineering from L...